Little Me
"Ayun na yun? Ayun na ang ipapakita nyo sa evaluation bukas?"
Hindi ko alam kung dahil ba mga pagod at humihingal sila kaya hindi mga makasagot o dahil nakakatakot si Ms. Ha Young. Kasalukuyan kaming nasa loob ng dance studio kung saan kapapakita lang ng grupong nakaaassign ko. Dahil kakadating ko lang nung isang linggo ay pinayagan akong hindi sumali at sinabihang panoodin na lamang sila.
"Kung ganyang klase ng performance ang ipapakita nyo bukas ay asahan nyo nang puro lait at pagalit ang sasabihin sa inyo!"
Napatungo ang mga ito at hindi na naman nakasagot. May nakita pa nga akong naiyak sa likuran. Ang sakit nga naman marinig iyon. Pero kailangan nga nilang mapagalitan dahil base sa pinanood ko kanina masasabi kong kulang sila sa energy.
"Ayusin nyo yung energy nyo. Para kayong mga nagsasayaw na bata. Baka nga mas daig pa kayo ng mga batang dancer. Euna nawawala ka na naman! Ulitin niyo!"
Tumayo ulit ang mga ito. Nagsimulang gawin ang kanilang formation. At nang tumugtog ang kanilang ni record na kanta ay nagsimula na silang gumalaw.
Masasabi kong kumpara kanina ay mas gumanda ang kanilang performance. Inayos nila ang kanilang energy at mas binigyang buhay ang kanta.
"Iyan! Lagyan nyo ng energy. Alam kong napapagod na kayo pero kailangang hindi niyo ipakita sa performance. Nakasalalay dito ang group evaluation niyo. Hindi kayo aangat ng class kapag hindi nyo pinagbutihan!"
Matapos ang ilang sermon ay natapos rin ang group performace class sa kanya. Lumabas na ako ng studio para pumunta sa sunod kong klase.
Pagkapasok ng vocal class ay nakita ko agad si Ms. Jin na nakaupo sa gitnang likuran. Agad akong nagbow at umupo sa gilid. Napansin ko ang isang mic sa gitnang unahan ng studio.
"Dahil bukas na ang evaluation, ichecheck ko ang piece nyo ngayon. Walang accompaniment, acapella lang. Tanging boses nyo lang. Para makita ko ang register ng boses nyo sa mic."
Napalunok ako bigla sa kaba. Walang accompaniment at tanging boses lang? Kitang kita kapag nawala sa tono doon.
Ipinilig ko ang masasamang ideya sa ulo ko. Kailangan kong tanggalin ang mga masasamang ideya sa utak ko. Kung patuloy kong iisipin ay talagang mangyayari ito.
"Sino ang gustong mauna?"
Nagkatinginan kaming lahat. Mukhang walang gustong mauna. Mukhang mga kabado kaming lahat. Natatakot na unang mahushagan sa harap ng isa't isa. Nang biglang tumayo ang isang chubby na babae at pumunta sa harapan ng mic.
"Simulan mo na."
Nang marinig ang permisyon ng guro ay huminga muna sya ng malalim. Ito yung babaeng mabilis lagi lumabas ng music room. Maganda nga ba talaga ang boses nya? Gaya ng naririnig ko? Tingnan nga natin.
Natigilan ako ng magsimula na syang kumanta. At agad nakwestyon ang aking sarili. Ang ganda ng boses nya.
Buo at makapal. Bagay na bagay sa pinili nyang kanta ni Whitney Houston.
Nang tingnan ko si Ms. Jin ay nakita ko syang nakangiti ng malaki. Mukhang masaya sya sa naririnig at nakikita.
Bumaling ulit ako sa unahan at pinanood si Eunbi. Nagtayuan ang mga balahibo ko ng bigla syang bumirit. Nagbulungan ang mga kasamahan kong trainee sa loob ng room.
Hindi ko mapigilang ikumpara ang aking sarili sa kanya. Tunog professional na sya kung kumanta. Buo ang boses at mataas.
Habang naririnig sya ay may nabubuong kung ano sa dibdib ko. At hindi ko alam kung ano iyon. Pero ramdam kong hindi maganda ito.
BINABASA MO ANG
Paper Hearts
Fanfiction"Dream is more important than love. That's why I did everything to grab a star and replace it by myself. I was longing for freedom and joy. I sacrificed a lot to get the position where I'm in. I chose my dream and leave my loved one behind because I...