Verse 18

162 9 1
                                    

Home To Mama

Binuksan ko ang pintuan ng classroom ng aming unang klase. Ala siyete pa lang ng umaga at bangag pa rin ako. Napuyat ako kagabi sa pag aantay na matulog na rin si Chad. Hindi ko kasi syang magawang iwanan na sobrang malasing kahit na kasama pa nya ang mga kaibigan nya na sobra na ring nalasing. Dapat pala ay hindi na lang ako pumasok. Parang may hangin ang aking ulo.

"Good Morning Amber!"

"Good Morning too!"

"Your debut is extravagant! It was an honor for me to witness that!"

Napangiti ako sa sinabi niya. Some of my classmates said the same thing. I gave them my appreciation. Some also apoligize for not attending because of personal schedules. I said that it's okay. At least there are people who attended. That's what matter.

Umupo na ako sa aking pwesto. Binuksan ko ang aking bag at inilabas ang mga gamit na kakailanganin. Bumukas ang pinto at pumasok sina Chantal at Jia. Nang makalapit sila ay agad ko silang binati.

"Good Morning!"

Lumingon sila sa akin at binigyan ako ng ngiti. Pareho din nila akong binati at umupo sa kanilang pwesto na malapit sa akin.

"Amber sorry nga pala at hindi kami nakapunta. May emergency kasi."

"Emergency? Bakit? What happened? Kamusta kayo?"

"Hindi. Yung kaibigan kasi naming si Marionne naglayas."

"Hala! Nahanap na sya?"

"Hindi pa. Dapat nga aabsent kami ngayon at tutulong sa paghahanap."

"Naku sana mahan-"

"Jia tumatawag si Marionne!"

"Ano?"

Agad bumaling si Jia. Inagaw nito ang telepono at kinausap ang nasa kabilang linya. Halos mapatingin sa kaniya ang iba pa naming kaklase dahil sa lakas ng kaniyang boses.

"Sabi ko na nga ba eh. Yang Daddy mo kasi masyadong manipulative. So sinong kasama mo? Wag mong sabihin na kasama mo si Samuel! Umayos ka Marionne!"

"Jia hinaan mo naman ang boses mo!"

Gaya ng sinabi ni Chantal ay hininaan nga ni Jia ang kaniyang boses. Kahit na ayaw kong makinig ay nakuha ang atensyon ko ng salitang manipulative kaya naman automatic na nasasagap ng tenga ko ang pag uusap nila.

"Lintik ka talaga! Pag tapos ng klase pupuntahan ka namin ni Chantal! Tatawagan kita mamaya!"

"Bakit? Anong nangyari daw?"

"Pinaghihiwalay sila ni Samuel kaya ayun alam mo na ang nangyari. Pagkaawas na pagkaawas puntahan natin yan at pagsasabihan ko!"

"Bakit kasi ang hihigpit ng mga ama nila?"

"Kay Marionne walang higpit higpit alam mo yan! Napakapasaway!"

"Pero hindi mo rin siya masisisi. Pagdating kay Samuel mas nagwawalangya."

"Be prepare Chantal. Nararamdaman kong si Zoey na ang susunod."

"Ano ba yang sinasabi mo? Sige na pupunta na ako pwesto ko."

Tumayo na si Chantal at pumunta na sa kaniyang orihinal na upuan. Tinigilan ko na ang pakikinig sa kanila. So nakipagtanan yung babae sa boyfriend? Kasi pinaghihiwalay ng ama? Mahigpit yung ama?

Paano kaya kapag nalaman ni Dad yung sa amin ni Chad? Paghiwalayin nya kaya kami? Kung paghiwalayan man kami ay siguradong hindi ako makikipagtanan. That's very absurd!

Paper HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon