Try
I strummed the strings for the last pattern. Pagkatapos kong magperform, tumingin ako sa harap ng maraming tao. Hindi ko alam ang mga reaksyon nila. I don't care. Gusto ko lang na ipakita ang aking talento. Magustuhan man nila o hindi, ang mahalaga ay nagawa ko ang gusto ko at naiparating ko ang gusto kong sabihin.
Umalis na ako sa stage at bumalik sa back stage. Pumasok ako sa room kung saan ang mga candidates. Sinalubong ako ni Ms. Wu at ngintian ng pagkalaki laki.
"Best Talent awardee. Good job!"
"Thank you Maam!"
Inayusan ulit ako ng stylist dahil susunod na ang long gown competition. Ang ibig sabihin noon ay kasunod na ang Question and Answer Portion.
I was amazed to what I'm wearing right now. This gown defines all the curves I have. I look elegant and sexy in a sophisticated way.
Tiningnan ko ang suot ng mga ibang kandidata. Magaganda rin ang mga suot nila. Some of them have high slits, backless, and plunging necklines. Tanging ako lang ang naiiba ang style.
Mahirap mang aminin sa akin na napakalaki ng naitulong ni Alicia sa akin. The things she provided are all extravagant. I must say thanks whole heartedly. Kahit na we're not on good terms.
"Sean and Amber magtabi kayo. The photographer will take a photo."
Lumapit sa akin ang sobrang gwapong si Sean. Bagay na bagay sa kaniya ang suot nyang suit. Para siyang isang batang CEO. He's very manly.
Kinuhanan kami ng litratong dalawa. Sumama rin ang stylist at ibang taga department namin. Lumapit sa akin si Ms. Wu.
"You're so beautiful! I'm sure Chad is really regretting his decision right now. Buti nga sa kaniya." pagkasabi ay tumawa sya.
Tinawanan ko na lang sya sa kaniyang sinabi. Hindi halata na may asawa na siya sa kilos niya. Para kasi syang isang teenager na mahilig mang asar ng kapatid.
Ms. Wu gave us her final words. Pinayuhan nya kami tungkol sa magiging Question and Answer. Pagkatapos ay pumila na ulit kami para sa long gown runway.
Isa isa kaming lumabas. Nag intay ng kani kanilang turn. Lumabas na si Sean at rumampang parang model ng suit. Magaling syang magdala ng damit. Sigurado akong pagkatapos ng event na ito ay mau kukuha sa kaniyang scout.
At humudyat na ang organizer sa akin. Naglakad ako palabas ng stage at ginawa ang itinuro sa akin. I walked like I own the stage. I stopped at the spots, look at the people and smile sweetly, then flashed my fierce look again.
Matapos ay lumabas na ulit ako ng stage. Ilang minuto ulit kaming nag intay bago lumabas muli ng stage para sa awarding. Pagkatapos ng awarding ay ang Question and Answer na.
"What can you say about our Candidates? Aren't they Jaw Dropping? Gorgeous and Hunk? Now let me hear you!"
Isinigaw ng MC ang bawat department. Nagsigawan ang mga estudyante para suportahan ang kanilang pambato. Nakakatuwang makita ang mga ito na todo suporta sa mga ka departamento.
"College of Business Management and Accountancy!"
Sobrang lakas na sigawan ang narinig namin. Nangunguna na ang MADMAN na may dala pang plastic bottle at tarpaulin. Hindi ko akalain na ganito ang magiging suporta sa amin ng aming mga ka departamento.
"Now for the awarding of sash!"
Nagsimula na siyang magbanggit ng mga pangalan at magbigay ng award. College of Criminology got the Best in Uniform Attire. College of Arts and Sciences got the Best in Department Shirt Attire. The candidate for the Female candidate of College of Tourism and Sean got the Most Photogenic Award and Best in Swimsuit Award.
BINABASA MO ANG
Paper Hearts
Fanfiction"Dream is more important than love. That's why I did everything to grab a star and replace it by myself. I was longing for freedom and joy. I sacrificed a lot to get the position where I'm in. I chose my dream and leave my loved one behind because I...