Verse 47

185 8 11
                                    

Attention

From: Rose Pasta

Hey. Are you busy?

Pagkasend ay tinitigan ko ang screen ng phone habang inaantay ang reply niya. Ngunit ilang minuto na ang nagdaan ay wala pa ring siyang reply. Kaya naman binuksan ko ang aking mga social media accounts. Gaya ng dati ay napakarami pa ring notifications pa rin ang bumungad sa akin. Binuksan ko ang ilan sa mga ito at nakita ang ilan kong mga litrato sa bawat event na pinupuntahan. May mga litrato rin akong naglalakad, paggala sa malls, at pagkain sa mga restaurants.

Bigla akong kinabahan ng makita ang isang litrato kung saan nasa kompanya ako nina Chad. Aligaga akong nag search ng ilan pang mga litrato. Nakahinga ako ng maluwag ng hanggang doon lang ang litrato at wala nang mas sensitibo pang kasunod. Ang akala ko ay may nakakita sa aming dalawa ni Chad sa sementeryo.

Napailing ako ng maalala ang nangyari sa pagitan naming dalawa. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa akin ang lahat ng nangyari. Ang lambot ng kanyang mga labi, ang bawar galaw, at ang bilis ng tibok ng aking puso habang nangyayari iyon. Hindi ako nakatulog sa pag iisip. Nakompirma ko na may nararamdaman pa rin siya. Kaya gagawa na ako ng aksyon dahil narararamdaman kong may pag asa pa kaming dalawa.

Ngunit masyado akong naging pabaya sa pagkilos ko. Nakalimutan ko na may nanonood sa bawat galaw ko. Kaya kailangan kong mag ingat. Kailangan kong gawing pribado ang pakikipag ayos sa kanya. Kailangan ko ring gawin ang isang bagay na matagal ko na dapat ginawa. Ang makausap si Juan Karlos.

From: Rose Pasta

We need to talk. There’s something I want to tell you.

Kailangan ko nang tapusin ang kahit ano pang bagay na namamagitan sa amin ni Juan Karlos. Ayaw ko na syang paasahin pa. Kapag mas pinatagal ko pa ito ay mas lalo lang siyang masasaktan. Hindi nararapat sa kahit na sinong tao na lokohin gaya ng ginagawa ko. Hindi man kami talagang magkasintahang dalawa pero may nararamdaman siya sa akin at sinabi kong sinusubukan kong masuklian ang nararamdaman niya. Mali pa rin ang ginagawa ko. Kaya kailangan ko nang itama.

Alam kong sa gagawin kong ito ay magbabago ang lahat. Madaming masasaktang mga fans. Madaming magagalit sa akin o sa kanya. Madaming lalabas na sari saring kwento. Malaki ang magiging epekto nito sa career ko. Maaring mawala ang lahat ng aking pinaghirapan. Pero napagdesisyunan ko nang iwan ang lahat ng ito. Para sa lalaking mahal ko. Para kay Chad. Isusugal ko ang lahat.

Malakas na nagring ang aking phone. Litrato ni Juan Karlos ang lumabas. Huminga muna ako ng malalim bago ito sagutin.

“Hello.”

“Hello Amber! Sorry ngayon ko lang nabasa yung message mo. Kakatapos lang namin magpractice para sa comeback.” humihingal na sabi ni JK.

Nasa Korea siya.

“Okay lang.”

“Ano nga pala yung gusto mong sabihin?”

“Pupunta akong Korea bukas.”

I don’t like to end things through phone. Nakakadala. Baka kapag sinabi ko na sa kanya agad ngayon sa tawag ay lumipad din sya papunta dito gaya ng ginawa ni Chad noon. Kailangan kong sabihin sa kanya ng personal. Ipapaliwanag kp sa kanya ang lahat at sasabihin ang dapat nyang malaman. I’ll have to do it clean. Ipapaintindi ko sa kanya at hihingi ako ng tawad.

“Really? Babalik ka na?”

“No. I’ll go there just to see you. To talk to you.”

“ Woah. You’re that into me aren’t you?” humahalakhak nyang sabi.

Pilit akong tumawa. Ngayon palang ay nakikita ko na sa aking isip ang magiging itsura nya sa oras na nag usap na kami. Makatawa pa kaya siya? Makangiti pa kaya sya? Ang sama ko talaga. Ang sama sama kong tao. Wala na akong ibang ginawa sa bawat taong nagmamahal sa akin kundi ang saktan ko lang. Kaya siguro ako hindi nagiging masaya. Dahil wala akong ibang alam gawin kung hindi ang manakit ng damdamin. Gawin ang maling desisyon.

Paper HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon