One Last Time
I don’t love you anymore. You’re the worst thing I’ve ever had.
“Paano niya nagawang sabihin sa akin ang bagay na iyon na ganoon kadali? Wala talaga siyang pakialam sa nararamdaman ko.”
Napailing ako at inilagay ang kanang braso sa noo. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha sa gilid ng aking mga mata. Ito na naman. Wala na akong ibang kayang gawin kung hindi ang umiyak. Dalawang araw na ang nakakalipas ngunit nanatili pa ring sariwa ang lahat sa akin.
Tama pa ba ito? May saysay pa ba ang lahat ng ito? Pilit ko mang kumbinsihin ang aking sarili na tatagan ang loob at hindi panghinaan ngunit sa kanyang ipinapakita ay parang wala na nga talaga siyang nararamdamang kahit katiting para sa akin. Napapagod na rin ako. Nasasaktan. Gusto ko nang tumigil at maglaho na lang. Ngunit may kung ano sa aking loob na nagsusumigaw na wag akong sumuko. Hindi ko na alam ang dapat ko pang gawin.
Malakas na nag ring ang aking telepono. Halos talunin ko ang pagitan ng lamesa nang aking abutin ang phone. Nawala ang mga ngiti ko ng makitang hindi pangalan ni Chad ang nakita. Sino bang niloloko ko? Sinaktan ko na naman ang aking sarili sa pag asang tatawagan ako ng taong wala nang pakialam sa akin.
“Hello Minnie.”
“Yah! Buti naman at sumagot ka! Ngayon na lang ulit kita nakausap! Ano bang pinagagawa mo?”
“Wala naman.”
“Ba’t hindi ka tumatawag sa amin? Hindi mo ba kami namimiss?”
“Hindi naman sa ganoon. Naisip ko kasing busy kayo. Ayaw ko namang makaabala pa.”
“Kahit man lang texts! Aish hindi ka nga pala nasagot kahit sa texts! Kamusta ka na?”
“Ayos lang naman.”
“Bakit ganyan ang boses mo? Ang tamlay? Masaama ba ang pakiramdam mo? Face Time nga tayo.”
Pinatay ko na ang tawag at lumipat sa Face Time. Ilang sandali pa ay nakita ko na ang magandang mukha ni Minnie sa screen.
“Yah Ambrose! Ba’t ganyan ang itsura mo? Umiyak ka ba? Anong problema?!”
“Wala Minnie. Kakatapos ko lang manood ng Drama. Alam mo naman ako crybaby.” sabi ko sabay piit na tumawa.
“Sigurado ka ba?”
“Oo. Siguradong sigurado.”
Nagpatuloy kami sa pag uusap ni Minnie. Wala sina Hye Soo at Risa dahil may schedule sila ngayon at si Minnie lang ang nabakante. Kinuwento nya sa akin ang mga kaganapan sa KPOP Industry. Tinanong niya rin ako kung napanood ko na yung comeback nina JK. Mukhang wala pang sinasabi sa kanila si Juan Karlos. Gusto ko sanang sabihin na rin sa kanila ang nangyari ngunit naisip ko ring pagbalik ko na ng Korea sasabihin.
“How’s your health?”
“I’m doing fine.”
“Mabuti naman. Kelan ka nga pala babalik dito? Kakapirma ko lang sa renewal ng contract ko. Hindi ba’t malapit na ding matapos yung contract mo?”
“Oo nga pala. Nawala na sa isip ko. My contract will end 2 months from now? ”
Kailan ba ako babalik?
You can’t continue living in the past! Stand for what you chose. Leave the past in the past! Move on and don’t contact me anymore. What we had is just a phase and not forever.
“Maybe next week?” sagot ko sa kanya.
“Yey! I’ll tell Risa and Hye Soo that you’re coming back next week! Finally! Mabubuo na ulit tayong apat at ang ibig sabihin noon? OT4 comeback!”
BINABASA MO ANG
Paper Hearts
Fanfiction"Dream is more important than love. That's why I did everything to grab a star and replace it by myself. I was longing for freedom and joy. I sacrificed a lot to get the position where I'm in. I chose my dream and leave my loved one behind because I...