Cry Pretty
Pagkauwing pagkauwi ay dumeretso agad ako sa kwarto. Agad kong kinuha ang laptop at nag log in. I searched articles about Bullet Proof. Nagpupuyos ang galit ko ng makita ang pagmumukha ni Juan Karlos sa mga miyembro.
Hinanap ko rin ang article na sinasabi ng mga kaklase ko. Binasa ko naman ito pagkakita. Gigil na gigil akong nagtipa sa comment section.
"You're just a rookie and you haven't prove anyting yet you're trying to hit on some famous idol. Desperate for fame asshole? Try harder. You're a jackass with a big nose!"
Nagdagsaan ang mga hate comments sa akin. Mabuti na lamang at dummy account ang gamit ko. Kung ano anong masasakit na salita ang ibinato sa akin ng mga fans nila. Bago pa siya sumikat ng tuluyan ay isiswalat ko na ang kulo niya!
"Huh! Defend him as long as you want! But I will live hating that man! I saw him with the other two members near a cafe. She made a girl cry looking like she dumped her harshly. She cried and breakdown but JK just ignored her and leave her crying on the ground! Don't support Bullet Proof! Stan MAXX!"
Tatawa tawa kong pinatay ang laptop.
Bahala silang magkagulo diyan. Ang mahalaga ay nasabi ko ang gusto kong masabi. Sana ay nakarating sa kaniya. Stan MAXX? I am triggering some nasty fanwar and it's all JK's fault.Kinuha ko ang aking mga gamit para gumawa ng assignment. Tanging ang subject ko lang kay Mr. Renoso ang nagpaiwan ng homework. Minsan mapapaisip na lang ako kung ano ba talaga ang major subjects ko. Minsan kasi yung mga minor pa ang mas matindi magpahirap sa estudyante.
Bigla kong naalala ang nangyari sa aming dalawa ni Chad. Grabe. Ilang beses ko siyang namura. Sa sobrang frustrations ko kanina, sa kaniya ko naibuhos ang lahat.
Napakakulit niya naman kasi. Lahat naman ng sinabi ko sa kaniya kanina ay totoo. I hate his grin and everything. Deserve niya naman lahat ng sinabi ko. Siguro?
Ginulo ko ang aking buhok sa inis. Nakakahiya yung ginawa ko kanina. Paano kung may nakakita sa amin? May nakapag video nung pag eeskandalo ko? That will be the end of my life.
Dapat pala ay hindi ako masyadong nagpadala sa emosyon ko. Dapat tiniis ko at pinigilan. Doon naman ako magaling noon pa. Pero bakit nagkakaganito na?
Kinaumagahan ay pumasok ako ng may kaba sa dibdib. Sana ay walang nakakita sa pagwawala ko. Nakakahiya.
I checked my schedule today. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala akong klase kay Sir Renoso. It means that we will not be seatmates today.
I will try my best to not see him. Hindi ko alam kung anong gagawin. Masyado akong lumagpas sa linya para mura murahin siya. Baka ipagkalat nya. Hindi imposibleng mangyari yun dahil may malaki siyang bibig.
"Amber!"
Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may sumulpot sa harapan ko. Nakita ko ang dalawa kong classmates na mahilig sa KPOP.
"Nabalitaan mo na ba yung issue kay JK? Naku hindi ba siya yung bias mo sa Bullet Proof?"
Ako ang gumawa ng issue kaya alam ko.
"Ah. Hindi pa eh. Hindi pa kasi ako nakakapagbukas ng accounts. Nagreview muna ako. "
"Hala? May Quiz ba?"
"Wala naman. In case lang."
"Ah. Akala ko naman eh. Back to topic. May nagcomment ng kung ano ano tungkol kay JK. Masama daw at babaero. May iniwan pa daw sa isang cafe."
"Hala! Grabe naman yan!" painosente kong sabi.
"Oo! Grabe talaga! Kawawa naman yung Bullet Proof. Kaka debut lang ganito na agad ang hinaharap na issue."
BINABASA MO ANG
Paper Hearts
Fanfiction"Dream is more important than love. That's why I did everything to grab a star and replace it by myself. I was longing for freedom and joy. I sacrificed a lot to get the position where I'm in. I chose my dream and leave my loved one behind because I...