Verse 8

171 9 4
                                    

Fuck You

Walang tigil ang iyak ko kahit noong umuwi ako sa hotel. Gulat na gulat si. Nancy ng makitang pagang paga ang mata ko. Hindi ko sinagot ang mga tanong niya at humagulhol sa pag iyak.

Hindi namin natapos ang bakasyon. Sinabi niyang uuwi na kami dahil hindi maganda ang kalagayan ko ngayon. Hiyang hiya ako sa kaniya pero mas nahihiya ako sa sarili ko. Ayaw ko nang magtagal sa lugar na ito.

"I'm sorry for ruining the vacation."

"No it's okay. Nanakit na rin naman ang paa ko kaya't ayos lang na umuwi na tayo. How about you? Are you okay?"

"I'm okay." pagkasabi ay umiyak na naman.

Our trip to home was wretched. I didn't even spoke a word. I just stare at the window and let my mind fly. Nakakahiya kay Nancy dahil pilit niya akong kinakausap para maibsan ang bigat ng pakiramdam ko pero hindi ko naman siya masagot ng ayos.

"Good Bye Amber. It was nice having you. I hope you will feel better. See you next time."

Kumaway siya sa akin at sumakay na sa sasakyang sumundo sa kaniya. Pumunta naman ako sa aming sasakyan at sumakay na rin.

"Kumusta ang bakasyon Maam?" masayang tanong sa akin ng driver

Hindi ko siya sinagot dahil hindi ko alam ang sasabihin. Masaya noong mga araw na gumagala kaming dalawa ng Nancy. Pero nung nagkaharap na kami ni JK, nasira na.

Nagbabadya muli ang aking mga luha. Pumikit ako para pigilan ang pagtulo nito pero lumaglag ng mabilis sa aking mga pisngi. Pinigilan ko ang paghikbi. Ayaw kong gumawa ng eksena sa harap ng iba. Pipigilin ko hangga't kaya.

Masaya akong sinalubong ng mga katulong. Pilit ko silang nginitian. Kinuha ko rin ang mga dala kong pasalubong at ibinigay sa kanila. Agad akong umakyat pagkatapos.

Humilatsa ako sa kama at iniwan ang bagahe kung saan. Dumaan sa isip ko ang nangyari. Masaya siyang nakikipag usap sa mga kasama niya. Pero nung nakita niya ako ay nagbago ang kaniyang ekspresyon. Talagang ayaw niya akong makita.

Nalukot ang aking mukha at lumabas ang mga nagtatago kong luha. Itinaboy ako ng lalaking iyon. Matapos ang lahat ng pinagsamahan namin ay makikipaghiwalay rin pala siya sa akin. Dapat pala ay hindi ko na lang siya kinausap o kinilala. Baka hindi naging kami at hindi ako nasasaktan ng ganito.

Mas lalo akong naiyak sa pag iisip. Bakit ang dali niya akong itaboy? Sana ay sinabi na niya ng mas maaga sa akin. Pinag antay niya ako ng limang buwan tapos ito lang ang ibibigay niya.

Siguro ay mababaw lang ang nararamdaman niya sa akin kaya mabilis niyang naisip na makipaghiwalay sa akin at piliin ang pangarap niya.

Pero bakit ako? Bakit ko nararamdaman ito? Para akong dinurog ng husto.

Gagong lalaki iyon. Sana ay makarating siya sa gusto niyang marating. Nang hindi masayang ang pakikipaghiwalay niya akin.

Susubukan ko rin na tanggalin na siya sa sistema ko. Hindi ako makakapayag na siya lang ang magiging masaya samantalang ako ay nagdudusa. Walanghiya siya.

Marahil sa magtagal na pag iyak ay nakatulog ako ng matagal. Hinihiling na sana sa paggising ay malimutan ang lahat ng nangyari.

"Maam dumating na po ang Daddy niyo galing Business trip."

"Tawagin niyo na lang ako kapag hinahanap niya ako."

Nagtipa muli ako sa laptop. Saan kayang Entertainment sumali yung ilong na yun? May bagong debut ang SM. Tiningnan ko ang profile ng bawat isa pero wala siya sa mga iyon.

Paper HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon