Verse 36

169 9 4
                                    

All Of My Life

“Risa hand me the tissue.”

Kumuha muna siya ng kanya bago inabot sa akin ang kahon. I took some tissue and wipe my streaming tears. Risa blowed her nose loudly. Man. I can’t take this anymore. It’s too painful.

“You know what Ambrose, I hate you. This is all your fault!” sigaw nya sa akin habang humahagulhol ng iyak.

“Shut up! I never thought that it will be like this!” iyak ko rin sa kanya.

Mukhang dumating na sina Hye Soo at Minnie dahil narinig ko na bumukas ang pinto. Walang tigil pa rin kaming umiiyak ni Risa at kasalukuyang nag aagawan sa tissue. Ayaw ko na pero gusto ko pa. Ang gulo ko.

Hoy anong nangyari?! Bakit kayo umiiyak?” malakas na sigaw ni Hye Soo.

“What the? Nanonood na naman kayo ng KDrama?

Hindi namin sila pinansin bagkus ay nagpatuloy sa panonood sa TV. Sa tuwing wala kaming ginagawang dalawa ni Risa ay ang panonood ng KDrama ang pampalipas namin ng oras. Mahilig si Risa sa mga fantasy at ako naman ay sa historical. Katatapos lang namin nung isang araw nung Goblin at walang habas rin naming iniyakan ito. Naging ideal type ko pa nga si Gong Yoo dahil doon.

Bwisit! Akala ko pa naman kung ano na ang nangyari sa inyong dalawa! Bakit ba ang hilig nyong manood ng ganyang palaba? Sinasaktan nyo lang ang sarili nyo!” sigaw sa amin ni Hye Soo.

Hindi sila magkakatuluyan dyan. Mamatay yung babae sa past at babalik na sa future. Maiiwan yung lalaki sa past.” sabi ni Minnie na agad naming nilingon sa bwisit.

Hoy ba’t mo sinabi! Spoiler ka?!” sigaw ni Risa.

Para tigilan nyo na yang paghihirap nyo dahil hindi rin naman sila magkakatuluyan.”

Totoo Minnie? Bakit ganoon?! Wang So!” iyak ko ng malakas.

Panira ka naman Minnie eh. Kita mong dinadamdam namin ng maigi yung palabas.”

Niligtas ko lang kayo sa despair dahil ayaw kong madepress din kayo gaya ko.

Teka Minnie napanood mo na yan?” tanong ni Hye Soo.

Oo. Tragic siya pero ang ganda.”

Mapanood nga. Baka naman ang OOA niyo ha! Kapag ako’y hindi umiyak.

Malabong maiyak yan.” sabi ko.

Baka nga tumawa pa yan eh. Kilala naman natin yan.” sabi ni Risa.

Pero panoodin nyo pa rin kung gusto nyong malaman kung anong nangyari. Pinatitigil ko lang kayo kasi may pupuntahan tayo mamaya.” sabi ni Minnie.

Saan naman tayo pupunta?”

May group dinner tayo kasama RV. Ayos lang ba?”

Nagkatinginan kaming dalawa ni Risa. Pagang paga ang mga mata naming dalawa at namumula ang mga ilong. Paano pa kami makakalabas nito? Baka kung anong isipin ng mga yun. Nakakahiya!

Bakit hindi mo naman sinabi agad sa amin ng mas maaga? Paano kami lalabas ni Ambrose nito?” angal ni Risa.

May dalawang oras pa kaya ibabad nyo na sa yelo yang mga mukha nyo.” tumatawang sabi ni Minnie.

Pinatay ko na ang T.V at tumayo. Magkasama kaming pumunta ni Risa sa fridge para kumuha ng mga yelo. Kailangan naming gumawa ng cold compress. Ayaw ko namang humarap doon ng ganito ang pag iitsura.

Paper HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon