Outro

157 11 1
                                    

Ikaw at Ako

From: Big Nose Sean

Bro, the target chose Kai over me. We lose.

"Shit." pagmumura ko matapos mabasa ang text ni Sean.

Tumingin muna ako sa harapan at nakitang nagdidiscuss pa rin ang matandang professor. Kung si Ms. Tracy siguro to, nakinig pa ako. Bumaling ako sa aking phone at nagtipa ng mga mura.

From: Big Ear Chad

Fuck it Bro. Ba't di mo ginalingan ang pag akit dun sa babae? For sure, that damn bastard will boast again. Ang laki pa naman ng tinaya ko sayo.

From: Kaisaer The Banger

What's up, man! HAHA. I won. Let's meet at the club for my prize. Haha.

"Fuck it. Ow!" singhal ko nang may tumama sa aking ulo.

Tumungo ako at tiningnan kung ano ang tumama sa akin at nakita ang isang nilamukos na papel. Agad kong nilingon si Blaster na ngayon ay may kung anong isinesenyas sa akin. Inilabas ko sa kanya ang pang gitna kong daliri at nagsimulang magtipa ulit.

From: Big Ear Chad

Dang it. Kaisaer texted me. Meet up daw sa club for his prize. D

Bago ko pa man matapos ang mga susunod kong salita ay may kumuha na sa aking phone. Nanlilisik na mga mata ni Professor Capuno ang sumalubong sa akin.

"Have you forgot my number 1 rule in the class Mr. Patricio?" galit na sabi ng gurang.

"I'm sorry Ms. Capuno. Urgent lang po kasi."

"Dang it. Kaisaer texted me. Meet up daw sa class for his prize. Really? Is this what you called urgent?"

Bwisit na matrona to. Hindi nya ba alam yung salitang privacy?

"Get out! Hindi porket mataas ang posisyon ng kapatid mo sa school ay mag ispecial treatment ako sayo! 1st year college pa lang mga pasaway na!  Kunin mo to sa akin sa isang linggo!"

"What? Next week?!" singhal ko.

"A week after next week. Gusto mo pang madagdagan?"

"Okay Ms. Pero let me lock my phone first. You know for my privacy."

Diniinan ko talaga ang salitang privacy dahil mukhang di nya ata alam iyon. Mahirap na. Nandoon lahat ng baho naming magbabarkada.  Ibinigay nya naman sa akin ang phone at matapos kong ilock ay lumabas na ako ng classroom bitbit ang aking backpack. Hukluban!

Dumiretso ako sa music room para intayin sina Blaster. Matapos ang mahigit isang oras ay dumating ang mga ito na mga tumatawa.

"Napag initan ka na naman ni Mama Mia." pang aasar ni Ludwig.

"Bwisit na matrona yun. Ba't kaya galit na galit sa akin yun?"

"Siguro type ka. Magpacute ka kasi sa kanya Bro." sabi ni Trevor sabay tawa.

"Yuck. Kahit sya na lang matirang babae sa mundo, hindi ko sya papatusin!"

"Bakit kasi nagcecellphone ka habang nasa klase non?" tanong ni Blaster.

"Nagtext sa akin si Sean. Natalo ako sa pustahan. Bad trip."

"Whooo! I won!" tuwang tuwang sabi ni Blaster.

"Ang sama nyo! Bakit nyo pinagpupustahan ang mga babae." pamamagalit ni Ludwig.

"Manahimik ka na nga lang dyan Ludwig. Yung babae din naman na yun ang may kasalanan eh. Namamangka sya sa dalawang ilog! Tara na nga lang sa Mall at bibili ako ng phone."

Paper HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon