Verse 12

176 11 2
                                    

Scars to Your Beautiful

"4,3,2,1. Good Job! Okay, 15 minutes break."

Pagkasabi ng choreographer ay agad kong inalis ang hawak kay Sean. Naglakad ako papunta sa tabi ng aking bag at kinuha ang pamunas sa mukha.

Sa mga nakalipas na linggo ay panay ang practice namin ni Sean para sa gaganaping Pageant. May mga pagkakataon rin na ini excuse kami sa klase na hindi ako sanay na mangyari. Natatakot ako na baka mahuli ako sa klase.

Sigurado ba si Daddy sa pagpayag sa pagsali ko dito? Ang dami kong nalagpasang klase. Mahihirapan akong makahabol. Ilang gabi rin ang pagpupuyatan ko.

"Oh."

Inabot sa akin ni Sean ang isang bote ng tubig. Nagtatakang tinanggap ko naman ito at umupo siya pagkatapos. Ngayon lang ako kinausap ng mokong.

"Don't think of anything. Inutusan lang ako ni Chad. Hindi siya makakapunta ngayon."

Kanina ko pa nga napansin na wala sa loob ng dance studio si Chad. Kadalasan kasi ay pumupunta siya dito para mang inis. Mabuti naman at wala siya dito.

"Boyfriend mo ba siya?" tanong ni Sean

"Hindi ah."

"Nililigawan?"

"Hindi rin."

Hindi na siya nagtanong pa at kinuha ang cellphone. Nakita ko pa ang pag ngisi niya habang nagtitipa ng kung ano. Paano kaya sila naging magkaibigan ni Chad? They're very opposite. A snobby jerk and talkative asshole. Mauunawaan ko pa na magkaibigan si Chad at si Blaster. Pero si Sean at si Chad? No way.

"Okay. This is the last practice candidates. Fall in line! We'll practice your introduction."

Tumayo na kaming dalawa at pumunta sa aming pwesto. It's a good thing that I am on the third number. Pangatlo ako sa maliliit sa mga kandidata. The other girls are very tall. I just have an average height for the girl.

We started doing the steps. Walk by numbers and introduce ourself. Gaya nga ng sinabi ng choreographer ay huling practice na namin yun para sa araw na ito.

I grab my bag and walk out of the room. Hindi ko na inantay pa si Sean dahil magkakapanisan lang kami ng laway na dalawa.

"Hey Amber!"

Lumingon ako sa tumawag at nakita si tenga na tumatakbo palapit sa akin. Luminga linga pa siya sa paligid na parang may hinahanap.

"Bakit? Sinong hinahanap mo?"

"Wala. Gagong Sean yun." bigla niyang sabi

"Why?"

"Wala. Akin na yang bag mo."

Kukuhanin niya na sana ang bag ko nang iiwas ko ito.

"Kaya ko naman. You don't have to."

"Aish. Ako na nga eh. Pagod ka sa practice niyo oh."

Wala na akong nagawa pa nung kinuha niya ang gymbag kong dala. Hindi naman mabigat ang bag ko pero nakakahiya pa rin dahil pinagbubuhat ko siya. Baka sabihin g iba ay inaalipin ko itong higante na ito.

"Nagpractice kasi kami kaya hindi ako nakapunta."

"You don't have to explain. You don't have to go to our practice everytime. Masyado kang naabala."

"Hindi ako naabala. Pumupunta ako kasi gusto ko. Kita mo nga at ang laki ng bag mo. Mabibigatan ka dito."

"That's light for me."

"Hindi na ako iimik. Baradong barado na ako sayo."

Napatawa ako sa sinabi niya. Hindi naman sa binabara ko siya pero yun ang lumalabas. I'm just blurting out the real reasons.

Paper HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon