Too Good At Goodbyes
"Aray ko bwisit ka Hye Soo!"
Nagtawanan kami ng habulin ni Minnie si Hye Soo. Itinulak kasi sya nito. Kasalukuyan kaming nasa studio at nagpapahinga. Kakatapos lang ng vocalization namin.
"Tara sa Cafeteria. Gutom na ako." anyaya ko sa kanila.
Lumabas na kaming lima para magpunta sa kumain. Bumukas ang elevator at sumakay kaming lima.
"Ano kayang pagkain ngayon?" saad ni Minnie
"Gusto ko ng chicken." hiling ni Hye Soo.
"Mag ramen ako ngayon." sabi naman ni Ji Yeon.
"Ako kahit ano basta hindi luto ni Risa."
Nagtawanan silang lahat sa sinabi ko maliban kay Risa. Hinampas nya ako sa braso na inilagan ko naman. Nag sorry ako sa kanya para tigilan nya na ako. Ang sarap nya talagang asarin.
Bumukas ang elevator at lumabas na kaming lahat. Pagdating sa cafeteria ay naghanap kami ng pwesto. Sinalubong kami ng tingin ng ilang trainees doon.
Matapos kumain ay pumwesto na kami sa isang table. Napatapat pa sa upuan nina Hanna.
"Hi Hanna!" bati ni Ji Yeon dito.
Napakunot ang noo ko ng tingnan lang sya nito sandali at nag iwas na agad ng tingin. Kitang kita ko naman ang pagkapahiya sa mukha ni Ji Yeon. Yumuko ito at pinagtuunan na lang ng pansin ang pagkain. Ang bastos ah.
"May problema ba kayo ni Hanna?" tanong ni Hye Soo.
"Parang. Simula kasi nung tayo yung napili bigla na syang nag iba."
So tatlong buwan nang hindi syang ginaganoon? Tapos tuloy pa din sya sa pagbati. Aba kung ako yun ay iisnabin ko na din si Hanna. Ibang iba sila ni Jinny. Close pa rin kasi sila ni Risa hanggang ngayon.
Hindi namin malaman ang isasagot kay Ji Yeon.
"Wag ka mag alala Ji Yeon. Nandito naman kami palagi. Hindi ka namin iiwan gaya ng ginawa ni Hanna."
"Salamat Risa."
Lumipas ang mga araw at may kakaibang kaganapan ang napapansin ko. Napansin ko na sa tuwing dadaan kaming lima ay pinagtitinginan kami ng mga trainee. Makita lang ang mga anino namin ay magbubulungan din sila.
Mahigit isang linggo nang nangyayari yun. Labis ang pagtataka namin dahil hindi namin alam kung bakit ganun na lang ang mga tingin at bulungan nila.
Hanggang isang araw habang nagpapractice kami ay pumasok ang isang trainee handler ng hindi namin inaasahan. Tumigil kami sa pagsasayaw at lumapit sa kanya para magbow.
"Sumama kayo sa akin."
Nagkatinginan kaming lahat. Ano ba ang nangyayari?
"Sir bakit po?"
"Basta sumunod kayo sa akin sa conference room."
Nagtataka man ay sumunod kami sa kanya. Sa hindi malamang dahilan ay sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ano kayang meron? May koneksyon ba to sa ikinikilos ng mga ibang trainee?
Kanya kanya kaming tanungan hanggang sa makarating sa tapat ng conference room. Nang buksan ang babasaging pinto ay mas lalong nagwala ang puso ko. Sa pinaka gitna ng mahabang lamesa nakaupo si Sajang-nim.
Pinaghalong kaba at pagtataka ang nararamdaman namin ngayon dahil sa tapat din namin ay may pitong lalaking trainee din. Bakit nandito ang Team B? Sa napanood ko sa survival show nila ay malapit na din silang mag debut. Umupo kaming lima sa upuan. Hindi lang si Sajang-nim ang nandito. Pati na ang ilang producers at trainee handlers.
BINABASA MO ANG
Paper Hearts
Fiksi Penggemar"Dream is more important than love. That's why I did everything to grab a star and replace it by myself. I was longing for freedom and joy. I sacrificed a lot to get the position where I'm in. I chose my dream and leave my loved one behind because I...