Verse 49

373 14 36
                                    

Let Go

Unti unti kong iminulat ang dalawang mabibigat kong talukap. Sa aking harapan ay isang table na pinapatungan ng lamparang tanging nagbibigay ng liwanag sa paligid at isang orasang nagpapakita ng kasalukuyang oras. Ala cinco na ng umaga. Napahawak ako sa aking ulo ng maramdaman ang tindi ng sakit nito. Geez. What happened?

Nanigas ang aking katawan nang maramdaman ang mainit na hanging tumatama sa aking batok. Damang dama ko rin ang init ng isang katawan sa aking likuran. Nakapatong ang isang hita sa aking hita at nakayakap ang braso sa aking bewang. Napatakip ako sa aking bibig nang sunod sunod na pumasok sa aking ala ala ang mga pangyayaring inakala kong panaginip lang. Idagdag pa ang pananakit ng bagay sa aking ibaba.

Sa aking naalala ay hindi lang isang beses na nangyari iyon. Paulit ulit. Kapwa kaming walang kontento sa pag iisa na tumigil lang nang mawalan na ng enerhiya.

Dahan dahan akong umisod at humarap sa taong nasa likuran. Nagwala ang aking puso ng makita ang taong nagmamay ari nito. Nakapikit ang mga mata at payapang natutulog na parang bata.

Panaginip lang ba ito? Hindi. Hindi ito panaginip. Ito ang katotohanan.

Anong kahibangan ang ginawa ko?

Bakit nangyari ito?

Muli akong lumingon kay Chad. Hindi ako makapaniwalang ginawa nga namin ang bagay na iyon. Nang hindi kasal. Hindi ko alam kung anong dapat na maramdaman. May parte sa aking puso na masaya ngunit nangingibabaw ang matinding kaba.

It’s a borrowed night.

Anong sunod na mangyayari? Ano ang dapat na mangyari?

Mapakla akong napangiti. Malungkot ang mga matang pinagmasdan ang lalaking nasa aking tabi.

Napakalapit mo lang sa akin Chad. Ngunit bakit ang layo layo mo pa rin?

Iniangat ko ang aking kanang kamay at hinawakan ang kanyang pisngi. Hindi ko pinagsisihan ang nangyari. Dahil tanging ikaw lang naman ang lalaking minahal ko. Ikaw lang ang nagmamay ari sa aking puso. Ikaw lang.

Ipinikit ko ang aking mga mata at ipinulupot ang aking braso sa kanyang bewang. Hindi ko alam kung anong mangyari mamaya o kinabukusan. Kaya susulitin ko ang mga sandaling mahahagkan ko pa siya. Magiging sakim ako. Kahit ngayon lang.

Ngunit hindi pa man nakakalipas ang halos sampung minuto nang umalingawngaw ang hindi pamilyar na ring tone. Hindi ko alam kung bakit pero ipinikit ko ng maigi ang aking mata at nagkunwaring tulog ng maramdaman ang unti unting paggalaw ni Chad sa aking tabihan. Tuluyan na syang nagising sa lakas ng tunog ng kanyang telepono. Gusto ko sanag tumutol nang maramdaman ang pag angat nya sa aking braso nang kuhanin nya ang kanyang maingay na phone. Lihim akong napangiti ng pinatay nya ito at bumalik sa pagkakahiga at yumakap sa akin.

Kung panaginip man ito ay ayoko ng magising pa.

Muling nag ring ang telepono niya dahilan para mapamura siya sa inis. Kinuha nyang muli ang bwisit na bagay na iyon at sinagot. Otomatikong lumaki ang aking tenga para mapakinggan ang pag uusap nila ng sino mang nasa kabilang linya.

“Hello Wendy?”

Para akong binuhusan ng isang timbang yelo sa kinahihigahan. Nag umpisa na ring magwala ang aking puso sa kaba. Mas lalo akong nabaliw nang biglang umalis si Chad sa kanyang pwesto. Iminulat ko ang aking isang mata at nakita siyang nakasuot na ng shorts at naglakad papunta sa may veranda. Binuksan nya ito at lumabas sya.

May kung anong demonyo ang nagtultulak sa aking lumapit at pakinggan ang pag uusap nilang dalawa. Sinunod ko ito at ipinuluot ang kulay puting kumot sa aking hubad na katawan. Halos mapasigaw ako sa tindi ng sakit ng aking pribadong parte nang bigla akong tumayo. Sobrang sakit na tila napunit ito. Nilingon ko rin ang kamang pinagmulan at nakita ang kulay pulang tintang sumisimbolo sa kawalan ng aking pagka birhen. Paika ika akong naglakad palapit sa pintuan. Bahagya kong binuksan ito at inilapit ang aking tenga.

Paper HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon