Verse 44

165 11 5
                                    

Camouflage

“Sorry ang tagal ko.” paumanhin ko kay JK nang makalabas ng aking kwarto.

“Okay lang. Sanay na ako. Let’s go?”

Tumayo na sya sa sofa at lumapit sa akin. Magkasabay kaming lumabas ng bahay. Lumapit sya sa kanyang dalang sasakyan at pinagbuksan ako ng pintuan. Nagpasalamat ako sa kanya at pumasok na sa loob. Sumunod naman siya at binuhay na ang makina. Ilang sandali pa ay pinaandar nya na ang sasakyan.

“Where are we going?” tanong ko.

“Where do you want?” tanong niya naman.

“Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. Paalis ka na mamaya kaya doon tayo sa gusto mo pupunta.”

“Hmm. Let’s go to the mall.”

“Mall? Are you serious? Ang daming tao doon. Gusto mong pagkaguluhan tayo?” tumatawa kong sabi.

“Then let’s wear a disguise. Gusto kong kumain doon sa kinakainan nating fast food noon tsaka manood ng sine gaya ng dati.”

“Okay if you say so. Then I’ll start removing my make up.”

“Pwedeng idamay mo na rin ako pagkatapos mo?”

Tinawanan namin ang isa’t isa. Kinuha ko ang make up remover sa dalang sling bag. I started wiping my face. Dapat pala ay hindi na lang ako naglagay nito. Nang matanggal na ang lahat sa aking mukha ay sinunod ko namang punasan si JK. Habang ginagawa ito ay napapansin ko lalo ang kutis nya. Men. His skin is better than mine.

“Ya. Focus on driving. Stop looking at me.” saway ko sa kanya ng makitang lumilingon lingon sya sa direksyon ko.

“Sorry I can’t help it. Mas maganda ka kasi kapag walang kahit na anong lagay sa mukha.”

“Bolero. Nagsalita ang may glass skin. Mas maganda pa kutis mo sa akin alam mo ba yun?”

“I recommend ko sayo ang derma ko gusto mo?”

“Baliw.” tumatawa kong sabi sa kanya.

Halos isang taon na ang pagpapanggap naming dalawa. At sa loob ng isang taon na iyon ay walang tigil pa rin siya sa panunuyo. Ilang beses ko na rin siyang sinabihan na walang kasiguraduhan ang maari kong maramdaman sa kaniya. Pero kahit na ganoon ay naibalik ang pagkakaibigan naming dalawa. Ngunit nitong mga nakalipas na buwan ay napansin kong paunti unti na ulit nabubuksan ang puso kong matagal nang nagsara sa kaniya. Ang balak ko pa nga sanang gawin pagkabalik sa Korea ay ang sagutin na siya.

Ngunit dahil sa hindi ko inaasahang pangyayari na kung saan ay nakita ko ang isang taong naging bahagi rin nang aking nakaraan ay nagulo ang sistema na matagal kong inayos. Dahi sa mga mata niyang matalim kung makatitig ay nagimbala ang kapayapaang matagal kong pinaghirapan.

Simula nang araw na makita ko ulit si Chad ay hindi na niya pinatahimik ang utak ko. Paulit ulit na tumatakbo sa aking isipan ang mga mata niyang may kung anong ipinapahiwatig at ang mga salita nyang may bahid ng pait. Pilit ko mang hindi pansinin at kalimutan ang pagtatagpo naming dalawa ay hindi ko magawa. Tila nasakop na niya ang buong sistema ko at ayaw nang iwanan pa.

“Amber?”

“Huh?” tanong ko sa kaniya ng bumalik na ang aking diwa.

“Tulala ka na naman sa kagwapuhan ko.”

Ginasingan ko siya at tinawanan niya ako. Sumandal ako sa upuan at lumingon sa kawalan. Nakokonsensya lang siguro ako. Tama. Dahil hanggang ngayon ay napapaniginapan ko pa rin ang ginawa kong pang iiwan sa kaniya. Kailangang mawala ang panggugulong ito sa akin. Kailangan ko siyang makausap. Baka kapag nakahingi na ako ng tawad at makuha ang closure na kailangan ko siguro. Nang sagayon ay makapag umpisa akong muli. Kasama ang lalaking nasa tabihan ko.

Paper HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon