Verse 39

184 7 7
                                    

Untitled

“Smile.” salita ko pagkatapos ay pinindot na ang button sa pagkuha ng litrato.

“I love it Unnie!” sagot ng batang babaeng aking kasama.

“I love it too. Look, you’re so pretty Ella!”

“You too Unnie!”

Nagsimula na ulit kaming maglakad ni Ella. Kasalukuyan kaming nasa Lotte World at naggagala. Kasama namin ang Mommy niya at ang isa sa aming mga manager. Si Ella ay isang YG trainee ng Black Label. Sa aming apat ay sa akin pinakamalapit ang batang ito kahit kahawig na kahawig nya si Minnie. Siguro ay dahil hindi ko naranasan magkaroon ng nakababatang kapatid kaya sobrang gaan na lang ng pakiramdam ko kay Ella.

“Wait baby, mag wash room lang si Unnie Pasta.”

Pumunta ang bata sa kanyang Mommy at nagpaalam ako sa kanila. Pumasok ako sa loob at naghanap ng wash room. Madaming tao sa lugar na ito kaya naman todo yuko ako kahit pa nakasuot ako ng pandisguise.

Nahanap ko rin ang banyo at agad na pumasok sa isang cubicle.

OMG! Ano sa tingin mo totoo?”

“Hindi ko rin alam. Galing sa dispatch at mukhang totoo yung picture!”

“Intayin na lang natin yung confirmation nung dalawang company!”

“Sana hindi totoo!”

Tumayo ako at ibinutones ang pantalon. Binuksan ko na ang pintuan ng cubicle at nakita ang isang kumpol ng mga babaeng teenager na mga nakahawak sa kani kanilang phone. Ano na naman kayang scoop ang nakuha ng dispatch?

Nagulat ako ng makita ang aming manager sa labas ng banyo. Mas lalo akong nagtaka ng makita ang kakaibang ekspresyon ng mukha niya.

“Ambrose kailangan na nating umalis!”

“Ha? Bakit naman po? Hindi pa po kami tapos nina Ella.”

“Pinapatawag ka ni Mr. Yang! Wag ka nang magtanong. Tara na!”

Ang marinig pa lang ang pangalan ni Sajan-nim ay nagdala na ng kakaibang takot sa balat ko. Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa sinabi niya. Dumaan muna kami sa mag ina. Humingi ako ng pasensya sa mga ito dahil sa maagang pag alis ko. Sinabi ko na lang kay Ella na sa susunod ay gagala na lang ulit kaming dalawa.

“Si Ambrose yun diba?”

“Sabi na eh. Siya yung nakita natin kanina.”

Napatingin ako sa direksyon kung saan nagmumula ang mga bulungan. Ito yung mga babaeng nasa wash room kanina. Mga nakatingin ito ng masama sa akin sa hindi malamang dahilan. Hindi ko sila pinansin at mabilis na naglakad paalis ng Lotte World. Pagkasakay ng sasakyan ay tinanggal ko na ang suot na mask at cap.

“Mr. Jung bakit po ako pinapatawag ni Sajang-nim?” kinakabahan kong tanong.

“May nirelease na picture ang dispatch na litrato niyo ni JK ng Bullet Proof!”

Parang sumabog na bomba ang naging dating sa akin ng sinabi niya. Bumilis ang tibok ng aking puso sa matinding kaba. Nangangatal ang mga kamay kong kinuha ang aking phone at binuksan. Mas lalo akong nanginig ng makita ang tambak na mga missed call at messages mula sa aking mga ka miyembro. Pero ang mas nagdala ng matinding takot ay ang pangalan ni Sajang-nim na nag iwan ng isang missed call. Ito ang unang pagkakataon na tinawagan nya ako.

Hindi na ako nag abala pang buksan ang mga ito at agad na pumunta sa Naver para tingnan ang article. Halod maiyak ako ng makitang ito ang top search at trending sa site. Binuksan ko ang article at binasa. Nakasaad doon ang mga litrato naming dalawa. Simula noong ibinigay ko ang regalo ng Daddy nya at pati hanggang sa New York.

Paper HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon