Verse 13

192 12 1
                                    

Real Friends

I clapped very hard when Madman finished performing. Nagsigwan ang mga ka department namin para ipakita na maganda ang naging performance nila.

Kinuha ko ang aking phone at nagtipa ng mensahe kay Chad.

From: Chipmunk Rosie

You performed very well. Thank you for the song! I really appreciated it.

Ilang segundo ang nakaraan ay tumunog ang aking phone. I opened the lock and saw Chad's text message.

From: Happy Virus

Where are you? I can't find you.

Chipmunk Rosie:

Nandito ako sa cement stairs. Nakaupo kasama sina Jia.

Happy Virus:

Okay. I'll go there.

Bigla akong kinabahan. Pupunta siya dito? Bakit siya pupunta dito?

Chipmunk Rosie:

Uy wag mo na akong puntahan. May mga kasama naman ako. Stay with your friends!

Hindi na siya nagreply na mas ikinakaba ko. He's really going here!

Para akong baliw na palinga linga sa paligid kakahanap sa kaniya. Jia and Chantal is busy singing along with the current playing band. Where is he?

"Hey."

Tumingala ako sa aking gilid at nakita ang matangkad na si Chad. I awkwardly smile to him as he sat down beside me. Nakita ko ang tinginan ng mga tao sa paligid namin. Kasama na ang dalawang babae sa aking tabihan na kulang na lang ay itulak ako sa lalaking ito. This is what I'm saying!

"Hi." awkward kong sabi.

"How's your day?"

"It was nice. Nanuod kami ng movies, we ate a lot of foods, at nakulong sa jail booth."

"Nakulong ka sa Jailbooth? Sinong nagpiyansa sa iyo?"

"Their friend, Joanna." sabi ko.

"How long did you stay there?"

"About 30 mins."

"Mabuti naman. Akala ko nagtagal ka doon eh."

Namayani ulit ang katahimikan. I still feel a bit shy. Hindi ko alam kung bakit!

"Do you think we'll win?"

"Siyempre naman! Ang galing niyo kaya! Ang gaganda pa ng kanta niyo."

"Thank you."

"Where's your friends? Iniwan mo na naman?"

"Malalaki na yung mga yun! Tsaka alam naman nila na kapag nawawala ako, kasama lang kita."

Bumilis na naman ang kabog ng dibdib ko. What the heck is the problem of my foolish cardiovascular muscle? Masyadong sensitive sa mga simple words at binibigyan ng meaning.

Magkasama naming tinapos ang lahat ng performances. Bigla na lang nawala sina Jia at Chantal kaya kaming dalawa na lang ang natirang magkasa. Nang mag aawarding na, nagpaalam sa akin si Chad sandali dahil babalik na siya sa backstage.

I looked at my watch and saw that it's already 8 pm. Hindi ko pa natetext ang aking sundo dahil hindi ko alam kung anong oras matatapos ang palabas. This is my first time staying outside the house and watching this kind of contest alone. If this is a normal day, my Dad will surely send cops to find me. But strangely, he's not even calling me. Bahala na. Magpapalusot na lang ako na may practice kami.

Paper HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon