Verse 11

167 9 7
                                    

Inne Demons

"Good Morning Amber!"

"Good Morning Gale!" bati ko sa aking kaklase.

Agad akong naglakad palapit sa aking upuan at inilagay ang bag tsaka umupo. Saktong sakto lang ang dating ko dahil sampung minuto na lang bago magsimula ang klase ni Sir Renoso.

"Napanood mo ba yung latest episode nung Bullet Bomb? Sobrang LT." buhalhal ng isa kong kaklase

Napatingin ako sa mga ito. Malakas silang tumatawa habang pinag uusapan yung latest episode nung Bullet Bomb. Show nung Bullet Proof. Show nina JK.

Ang huling panood ko ata noon ay bago pa ako mag comment sa article nila. Matapos ay hindi na ulit ako nagbukas ng mga article o kahit anong related sa kanila. Nasasaktan lang ako.

"Grabe. Sabog talaga yang Bullet Proof. Ang saya panuodin. Mapapaihi ka na lang kapag nagsama sama yung Maknae Line."

"JK, B, at JM. Grabe talaga yung tatlong iyon."

Hangga't sa maaari ay ayaw kong naririnig ang kahit na anong bagay tungkol kay Juan Karlos. Madaling sabihin na kayang kaya kong kalimutan pero sobrang hirap kung susubukan. Lalo pa't may mga kaklase akong palaging sila ang bukang bibig.

Mas okay sana kung MAXX na lang yung pag uusapan nila. Kaso mas gusto nila ang Bullet Proof dahil mas magaganda daw ang kanta.

"Good Morning."

Lumingon ako sa taont bumati. Ang nakangiting si Chad ang nakita ko. Inilagay niya ang bag sa unahang upuan at isinabit tsaka umupo.

"Good Morning din."

"Amber! Napanood mo na yung latest episode nung Bullet Proof? Grabe sobrang nakakatawa!"

"Hindi pa eh. Medyo busy kasi ako nitong mga nakaraang araw."

"Naku sayang! Panoorin mo na lang mamaya! Ang salaw ni JK doon! Hindi ba't siya ang bias mo? Lalo kang maiinlove sa kagaslawan niya. Ang cute cute!"

Mapakla akong napangiti sa kanila at umuoo na lang. Lalo daw akong maiinlove? Hindi ko papanoorin.

"Ang iingay naman niyang mga yan. Agang aga ay."

Lumingon ulit ako sa katabi ko. Nakabusangot ang pagmumukhang nakatingin sa mga kausap ko kanina. Wow. Parang hindi siya nag iingay kapag maaga.

"Ito parang hindi nag iingay."

"Hindi naman gaya nila na tumitili para sa lalaki."

"Fan nga diba? Ganyan talaga kapag die hard fan."

"Eh ba't ikaw hindi nag iingay? Fan ka din naman ng mga iyon hindi ba? Sabi nila?"

Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Ba't ako mag iingay para sa taong nang iwan sa akin. Bakit ko siya susuportahan gayong sinaktan niya ako?

"Himala ang aga mo."

"Kailangan eh. Ayaw ko masingko."

Ilang saglit pa ay dumating na si Sir Renoso. Inilapag nito ang mga dalang gamit at bumati sa amin.

"Solis, Villalobos, ibigay niyo ito sa may ari. Ayan na yung result nung quiz niyo."

"Lintek. Ba't kailangan niya pa ibigay yan. Sana itinago niya na lang o itinapon!" singhal ni Chad sa tabihan ko.

Natawa ako sa sinabi niya. Mukhang alam ko na ang resulta ng exam niya. Reaksyon pa lang mababa na.

"Waah. Perfect as usual. Galing mo talaga!" sabi sa akin ni Christine tsaka ibinigay ang aking papel.

Paper HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon