Verse 19

178 13 0
                                    

Last Night

Maaga akong gumising. Yayain ko kasi ang ilang maids na mamili sa super market para sa dinner mamayang gabi. Umagang umaga pa lang ay kinakabahan na agad ako.

Bumaba ako ng hagdan at nagtungo sa kusina. Binuksan ko ang fridge at tiningnan ang laman. May mga ingredients pa naman pero mas maganda nang bumili ako ng bago.

"Sina Angge at Gelai?" tanong ko sa isang maid na nakasalubong ko.

"Si Angge po nasa garden. Si Gelai po ay naliligo pa lang."

"Pakisabi naman kay Gelai na pakibilisan. Isasama ko kamo sya sa pamimili."

Umalis ang katulong at pumunta sa quarters nila. Pumunta ako sa garden para kaunin si Angge. Sa lahat ng mga maids ay sina Angge at Gelai ang pinakanapapalagayan ko ng loob. Kaya mas magandang silang dalawa ang isama ko.

"Angge!"

Humarap sa akin si Angge at pinatay ang hose ng kaniyang pandilig.

"Hayaan mo na yan. Samahan niyo ako ni Gelai mamili."

"Maam bakit po kayo mamimili? May mga stocks pa po tayo sa refrigerator."

"May bisita ako mamayang gabi. Malakas kumain yun!"

"Maam sino po?"

Aba't ang chismosa nito ah.

"Basta basta. Makikita mo din mamaya. Kaya bitawan mo na yan at samahan ako. Maglilista pa tayo ng bibilihin."

Walang nagawa si Angge kung hindi ang sumunod at sumama sa akin. Pumunta kami sa kusina at nagsimulang maglista ng mga bibilhin.

Ilang saglit pa ay dumating na si Gelai.  Binati ako nito at inulit ang tanong ni Angge. Inulit ko rin ang aking sagot sa kaniya.

"Sure ka ba na kumpleto na to?"

"Opo Maam!"

"Sige. Palitan nyo yang uniform nyo at magfreestyle."

Umalis ang dalawa at nagpunta sa quarters nila. Lumabas ako ng kusina para puntahan si Daddy. Manghihingi ako ng pera.

Tamang tama at nakita ko siya sa dining room na kasalukuyang nagkakape. Kasama niya si Tita Alicia na ngayon ay nag uumagahan din.

"Good Morning. Dad, Tita."

Nakuha ko ang kanilang atensyon. Binati rin ako ni Tita Alicia at tanging tango lang ang iginawad sa akin ni Daddy.

"Dad manghihingi po ako ng pera. Mamimili po kasi kami ngayon nina Angge."

"How much do you need?"

"Around 5K."

Kinuha niya ang kaniyang wallet at binigyan ako ng 10k.

"Dad 5K lang."

"Paano kung kulangin ka? Hindi ko pa nalalagyan yang card mo kaya siguradong wala ka nang pera."

Tama siya. Kung may laman ang card ko ay hindi ako manghihingi ng pera sa kaniya.

"Thanks Dad!"

"Keep the change Amber! Ubusin mo na yan. Madami namang pera yang Daddy mo." natatawang sabi ni Tita Alicia.

Tumawa rin lang ako sa joke niya. Umalis na ako sa dining room at dumiretso na sa sasakyan. Nandoon na sina Angge at Gelai na kapwa iba na ang mga suot na damit.

"Let's go!"

I opened the seat near the driver's. Pumasok na rin ang dalawa at umandar na ang sasakyan. Tatlumpong minuto ang itinagal ng byahe.

Paper HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon