Stressed Out
"Good Morning Ms. Hara!" bati namin sa aming instructor nang pumasok sya sa studio.
"Arrgh. Ito na naman. Dala na naman nya." rinig kong sabi ni Eunbi.
Lumapit sa kanya si Euna hinagod ang likuran nito. May dala nanaman kasing timbangan si Ms. Hara. Sa tuwing ichecheck nya kami tuwing Lunes ay chinecheck nya ang timbang ng bawat isa. Kaya naman kakaba kaba. Dahil malupit syang mamagalit.
Nagsimula na syang magtawag ng mga pangalan. Naunang timbangin ang F21 na grupo nina Hanna. Natuwa sa kanila ang instructor dahil bumaba ang timbang ng mga ito.
Sumunod ang Trident. Hindi gaya ng F21 ay may ilang napagalitan dito. Mayroon kasing nadagdagan ang timbang sa halip na mabawasan. Kaya naman kitang kita ko ang kaba sa mukha ni Eunbi. Sa aming lahat kasi ay sya ang pinaka pinagagalitan.
"Pink Punk!"
Pumila na kaming pito sa tapat ni Ms. Hara. Unang sumalang sa timbangan si Ji Yeon. Sumakay na siya sa timbangan at tiningnan ito ng instructor.
"Ji Yeon, magpababa ka pa ng isa. Sunod!"
Umalis na si Ji Yeon at sumunod naman si Euna. Sinabihan rin syang magpababa. Ganoon rin si Hye Soo. Sumunod si Minnie at Risa na kapwa nakuha ang tamang timbang para sa kanila.
Lumakad na ako sa unahan at sumakay na sa timbangan. Napangiti ako ng makitang nasa tama rin ang timbang ko. Mabuti na lang at hindi ako tumataba kahit malakas akong kumain.
Pagkatapos ko ay si Eunbi naman ang sumunod. Tinanggal nya muna ang suot na jacket at scarf bago sumakay sa timbangan. Nang tingnan ito ni Ms. Hara ay nalukot na naman ang noo nya.
"Isang buwan na Eunbi pero dadalawa pa rin ang nabawas sayo. Kulang pa! Nakain ka pa ba sa hapon?"
"Tinapay na lang po."
"Wag ka nang kumain sa hapon. Gawin mo ang sinabi ko. Sige bumalik ka na."
Bumalik na sa pwesto namin si Eunbi. Kahit na hindi kami ganoon ka close ay naaawa pa rin ako sa kanya. Hindi na kasi sya kumakain sa umaga. Sa tanghali naman ay sabaw na lang ang kinakain nya. Tapos pinagbawalan pa sya kumain ng tinapay sa gabi. Ano na lang ang ilalaman ng tiyan nya?
"Ngayong tapos na tayo sa timbangan, ipakita nyo na sa akin ang dance performance niyo. Trident kayo na ang mauna."
Nagpunta kami sa gilid para bigyan ng space ang mga magpepresent. Pumunta na sa gitna ang Trident at pumwesto. Nang tumugtog ang kanta nila ay nagsimula na silang sumayaw.
Kitang kita ko ang kunot sa noo ni Ms. Hara habang pinapanood ang mga ito. Kahit kami ay napapailing sa nakikita. Para kasing kulang.
Nagbow silang lahat pagkatpos.
"Ngayon pa lang sinasabi ko na sa inyo, ang grupo niyo ay imposibleng magdebut."
Lumingon ako sa direksyon ng Trident. Mga pawang nakayuko silang lahat sa maanghang na salita ni Ms. Hara. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Ang taray nya talaga. At ang lupit.
Simula nung buoin na kami sa tatlong grupo ay mas naging mahigpit na sila sa amin. Mas masakit na silang magsalita. Mas mahirap na ang training.
"Ang lamya nyong sumayaw! Hindi pa sabay sabay! Nagkakalay kayo! Grabe nakaka stress kayong panuorin!"
Nakita ko pa ilang miyembro nilang umiiyak habang binubugahan ng apoy. Palagi na lang ganito ang nangyayari tuwing may mid eval.
Kahit kami ay hindi nakakaligtas.
BINABASA MO ANG
Paper Hearts
Fiksi Penggemar"Dream is more important than love. That's why I did everything to grab a star and replace it by myself. I was longing for freedom and joy. I sacrificed a lot to get the position where I'm in. I chose my dream and leave my loved one behind because I...