Verse 50

157 7 0
                                    

Regret Message

Unti unti kong iminulat ang aking mga mata. Tinakpan ko ito para harangan ang maliwanag na sikat ng araw na tumatagos mula sa babasaging bintana. Maingat akong umupo at tumingin sa labas ng screen door. Tirik na tirik na ang araw kaya naman kitang kita ang magandang kulay ng bughaw sa payapang umaalog dagat. Dahan dahan akong tumayo at naglakad palabas ng kwarto. Sinalubong agad ako ng malakas na hangin.

“Good Morning anak.”

Hinaplos ko ang aking sinapupunan. Anim na buwan na ito kaya naman kitang kita na ang umbok. Hindi pa rin ako makapaniwalang may buhay na namumuo sa aking katawan.

“Let’s have some breakfast. Alam kong nagugutom ka na.”

Muli akong pumasok sa aking kwarto at isinara ang screen door. Nagpunta ako sa kusina at naghanap ng makakain. Binuksan ko ang fridge at nakitang tanging isang karton ng gatas , ilang piraso ng loaf bread at tatlong piraso ng native egg na lang ang laman. Mukhang kailangan ko na uling mamili. Mabilis kong niluto ang itlog at inilagay sa toaster ang tinapay. Pinainit ko rin ang gatas at inilagay sa isang malaking mug. Matapos ay inilagay ko na ang mga ito sa lamesa.

Nagsimula na akong kumain. Dahil wala naman akong kasama sa bahay ay nakagawian ko nang kausapin ang aking anak na nabubuo pa lang. Ang sabi din sa akin ng doktor ay mabuti para sa bata ang pagkausap dito kahit nasa tyan ko pa lang. Maari ko rin daw itong pakinigin ng classical musics at basahan ng mga libro. Kaya naman hindi ako nababagot dahil dito. Nararamdaman ko ring mas tumitibay ang bond naming dalawa.

Matapos kumain ay dumiretso ako sa banyo para maligo. Hinubad ko na ang suot na damit at binuksan ang shower. Lumagaslas ang malamig na tubig sa aking katawan. Sinabon kong maigi ang bawat sulok lalo na ang aking kili kili. Napansin ko kasing sobrang nangingitim ito pati ang aking mga siko at ilalim ng leeg. Kitang kita tuloy kapag naka sleeveless ako.

Suot ang kulay puting roba, lumabas na ako ng banyo at dumiretso sa kwarto para magbihis. Napili ko ang isang kulay itim na dress na pinatungan ko ng isang brown dress cover. Hindi na ako nag abala pang maglagay ng kahit ano pang kolorete sa mukha dahil maglalagay rin naman ako ng face mask at bucket hat. Kahit pa nasa kabilang dako ako ng mundo ay kailangan ko pa ring magkubli kung sakaling may makakilala man sa akin.

Lumabas na ako ng bahay at isinara ang pinto nito. Nagsimula na akong maglakad sa puting buhangin patungo sa nakaparada kong sasakyan. Mabilis akong sumakay dito at pinaandar na ito. Habang nagda drive ay umalingawngaw ang malakas na tunog ng aking telepono.

“Hello?”

“Amber! Ano kamusta ka na?”

“Ayos lang naman Ate. Nagdadrive ako papuntang Mall. Wala na pala akong stocks sa bahay.”

“Aish! Paano mo mabubuhat yung mga pinamili mo eh buntis ka! Sinong tutulong sa iyo eh mag isa ka lang?!”

“Kaya ko naman. Hindi naman ganoon kadami yung bibilihin ko kaya wag ka nang mag alala.” tumatawa kong sabi.

“Nasaan ka ba kasi?! Pupuntahan kita diyan! Walang nag aalaga sayo diyan!”

“Ayos nga lang ako Ate!”

“Bakit ba ayaw mong sabihin kung nasaan ka ha?! Alalang ala na kami nina Daddy sa iyo! Kating kati na iyong pumunta dyan at iwan yung trabaho nya dito!” sigaw nya sa akin.

“Kaya nga ayaw kong sabihin! Dahil maabala lang kayo! May asawa at anak kang kailangang alagaan. May kompanyang kailangang patakbuhin sina Tita Alicia at Daddy. Ayaw ko nang makaabala. Ayaw ko nang maging pabigat. Ayaw ko nang gumawa pa ng problema. Kaya ko nang mag isa.”

Paper HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon