Verse 7

167 9 5
                                    

Hurts Like Hell

"Cover to cover ang coverage ng exam. Galingan niyo!"

The Professor immediately went out. Umingay sa loob ng classroom. Kaniya kaniya silang labasan ng hinaing tungkol sa nalalapit na exam.

"Amber! Tarang mag review!" masayang sabi sa akin ni Nancy.

"Sure." sagot ko sa kaniya.

"I have an idea! Why don't we have a review overnight?"

Lumingon siya sa mga kaibigan niyang babae. Nagtinginan ang mga ito at nag ilingan. As usual, ayaw na naman nilang magreview. Kung ano man ang maging resulta ay sila ang may gawa.

"Aww. Bakit naman?"

"I have plans for tonight." ani Daisy

"Me too." ani Jane

"Paano kayo makakapagreview?"

"Bahala na." sagot nilang dalawa.

"Girl, Daisy and I have some errands. We'll leave you here. Bye."

Tumalikod na sila at umalis. Naiwan kaming dalawa ni Nancy. Tiningnan ko ang reakyon niya. Seryoso ang kaniyang mukha na tila malalim ang iniisip.

"Are you okay?" damn ang lakas ng loob kong magtanong niyan.

"Uh, Yes I'm okay." ngumiti siya at tumawa.

Halatang halata ang pilit niyang ngiti. Sa tingin ko ay nakakaramdam na siya sa mga kaibigan niya. Mabuti naman. Nakakaawa lang kasi siyang panoorin na walang kamalay malay.

"Let's grab some food. Wanna go to the mall?" anyaya nya sa akin.

"I can't go to the Mall. I'm sorry."

"What? Why?" gulat niyang tanong.

Hindi ako makasagot agad. I will put myself to grave if I told her that I am grounded. Lagpas isang linggo na akong grounded. Iba talagang magalit si Daddy.

"I kinda don't feel it. Pwede bang sa cafeteria na lang tayo?"

"Uh sure."

Naglakad na kaming dalawa papunta sa Cafeteria. Nagkwentuhan lang kami tungkol sa nalalapit na finals.

Nang makarating ay naghanap kami ng mauupuan. Hindi ganoon ka crowded ang cafeteria kaya naman nakakuha kami ng pwesto.

We put our bags on the table then walk to the front. Dahil hindi naman ganoon kahaba ang pila ay nakabili kaagad kami.

"Let's eat."

At nagsimula na kaming kumaing dalawa. This is the first time that we spend the lunch together. Kadalasan kasi ay kasama namin ang dalawa niyang kaibigan.

"Hey, pwede ba akong mag open sayo?"

Tumigil ako sa pagkain at tiningnan siya. Akward smile plastered on her face. I nodded at her. Mukhang alam ko na ang sasabihin niya.

"It'a about Daisy and Jane. Para kasing nilalayuan nila ako. Hindi ko alam kung bakit."

Gaya ng inaasahan ay nagsimula nang tumulo ang mga luha niya. I envy her. She can show her weak side to others. Me? I can't. I have to endure the pain.

"Sorry ha. Masyado akong nagiging emotional. Nakakahiya."

"No. Wag kang mahiya. I'll listen."

"Nararamdaman ko na kasi na ayaw na nila akong kasama. Hindi na sila yung kagaya ng dati. Bakit ganoon? Ginawa ko naman lahat. Sinubukan kong sabayan ang mga hilig nila pero bakit nararamdaman ko pa rin na hindi ako belong sa grupo nila?"

Paper HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon