Kill Them With Kindness
"This guy is fucking annoying."
Pinatay ko na ang aking phone at inilagay sa aking bulsa. Nanonood kasi ako ng performances namin sa Youtube nang biglang lumabas sa feed ko ang isang video ng reaction sa akin ng mga male idols. Kung kani kanino na ako isiniship. At sa lahat ng mga ships na nakita ko, iisa lang ang nagpakulo sa sa aking dugo.
Isiniship ako kay Juan Karlos. Napanood ko ang reaction video nya habang pinapanood ang special stage number namin nung SBS Gayo. Bigla bigla na lang kasi siyang ngumingiti sa tuwing ako na ang kumakanta. Idagdag pa ang hindi nya pagsara ng bibig at pagsabay sa akin sa parte ko. Kaya naman kung ano anong spekulasyon ang kumakalat sa comment section.
Ano na naman kaya ang gusto nyang mangyari? Bakit kailangan pa nyang magbigay ng ganoong klase ng pagmumukha ngayong alam nya na napapalibutan sya ng camera? Dahil sa reaksyon na yun ay kung ano ano nanamang pang babash ang ianabot ko sa mga fans niya sa comment section.
Dinudumihan nya ang image ko. Ang ma iship sa isa sa mga miyembro nila ay tiyak na masasakit at puro panlalait ang aabutin kahit wala namang ginagawa. Dumagdag pa ang fans nya sa mga taong nanghahamak sa akin. Masakit na sa damdamin.
"Alis na ako girls!"
Kumaway ako sa kanila at tumalikod na. Bitbit ang mga maletang lumabas na ako ng dorm para pumunta sa sasakyang gagamitin papuntang airport. Uuwi ako ngayon sa Australia dahil sa Lunar New Year. Si Minnie ay uuwi rin samantalang sa bahay nina Hye Soo mag stay si Risa.
Sumakay na ako sa loob ng van. Umandar na ito at nagsimula na ang biyahe. Sinabi sa akin ng kasama kong staff ang mga susunod naming schedule pagkatapos ng Lunar New Year. Nakakalungkot at kailangan ko ring agad bumalik ng maaga. Ngayon ko na lang ulit makikita ang aking pamilya simula nang pumunta ako dito sa Korea.
Pagkadating sa airport ay nagpaalam na ako sa staff. Hindi kasi sila sasama sa akin na labis ko namang ipinagpasalamat. Gusto kong makasama ang aking pamilya ng wala munang iniintindi. Dapat rin na maiwan siya dito para makasama rin ang kanyang pamilya.
Pumasok na ako para sa boarding at ilang saglit pa ay pumasok na rin ako sa eroplano. Ikinubli ko ang aking sarili at nagsuot ng kung ano anong disguise para mataguan muna ang mga reporters. This day will be my break. Free time.
Sa buong biyahe ay natulog lang ako kaya hindi ko na namalayan na nakalapag na ang eroplano sa Australia. Tumayo na ako mula sa aking kinauupuan at lumabas na ng sasakyan. Ang pamilyar na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin. Pagkakuha ng bagahe ay naglakad na ulit ako.
"Ambrose!"
Napalingon ako sa tumawag at nakita ang isang Korean family na nasa waiting area. Nginitian ko ang mga ito. Nakakagulat at agad akong namukhaan ng mga ito. Marahil siguro sa kulay ng aking buhok. Agaw pansin kasi kahit naka cap pa ako.
"Pwede magpapicture? Fan mo kasi kami! Lalo na tong anak kong lalaki."
Kinuhanan kami ng litrato. Umupo ako para mapantayan ang batang lalaki na agad namang yumakap sa akin. Hinalikan ko ito sa pisngi. Kung magkakaroon man ako ng anak ay gusto kong maging kasing cute ng batang lalaking ito. Kinuhanan na kami ng litratong dalawa at nagpaselfie pa ang isang batang babae sa akin. Nagpaalam na ako sa kanila at naglakad na ulit palabas ng airport.
BINABASA MO ANG
Paper Hearts
Fanfiction"Dream is more important than love. That's why I did everything to grab a star and replace it by myself. I was longing for freedom and joy. I sacrificed a lot to get the position where I'm in. I chose my dream and leave my loved one behind because I...