Verse 4

208 10 3
                                    

Problem

Ilang buwan na ang nakalipas simula nung unang araw ng pasukan. I can say that this school is not good as I imagined. It is exclusive university but the system sucks. May mga professor na palaging hindi pinapasukan ang klase. May pagkakataon rin na wala sa mga itinuro ang exams. Mabuti na lang at nag seself study ako kung hindi ay nganga ako nung preliminary examination namin. At ang isa pang hindi ko gusto sa paaralan na ito ay ang mga estudyante mismo.

"Amber."

Nilingon ko ang taong tumawag sa akin. Nakita ko si Nancy na dala dala ang test paper niyang may kulay pula na namang marka. She's very pretty. Angelic face with a sexy body. Isa rin sa mga pinaguusapang babae sa department namin.

"Yes?"

Umupo siya sa upuang tabihan ko at umisod papalapit sa akin. Nilapag niya ang papel niya sa aking desk. I scanned the paper. As usual, puro errors na naman.

"I don't know what to do with my grades. I am studying really hard. I didn't even have time to sleep because of the exam but I still got this score."

Liar. I heard one of his fan boys talking about her. She's always partying at night. Hindi siya totoong nag aaral. Even in the library, a trace of her is impossible to find.

"I think the problem is your way of studying." nakangiti kong sabi sa kaniya.

"What do you mean by that?"

"Kulang pa yung pag aaral mo. Pwede rin naman na hindi mo masyadong naintindihan yung lessons. Kaya kahit na nag aaral ka ay ganyan ang nangyayari."

Tumango tango lang siya habang tinititigan ang papel nya. Sa tingin ko naman ay matalino siya pero mas inuuna nya ang barkada. Kung ano man ang nangyayari sa kaniya ay siya na ang may dahilan noon. Wala na rin akong pakialam doon. Mas magandang nababawasan ang mga kakumpitensya ko.

"Sa tingin ko nga din. Sa totoo lang, hindi ako nag aaral ng maayos. Magsisipag lang ako kapag kinabukasan na yung exam."

Nakangiti lang ako habang ineexplain niya sa akin yung mga dahilan niya. Labas pasok lang sa tenga ko ang mga self convincing nyang linyahan.

"Ikaw? Anong score mo? Perfect na naman ano?"

Ngumiti ako at tumango.

"Wow. As expected sa mga taong buhay aral lang ang alam."

That sentence hit something in me. I don't know if she's complimenting me or what. I felt annoyance in her word. Maybe because she's bitter.

"Study will bring me to success. Leisures will just waste my time. I don't want to get wasted." simpleng pagpaparinig ko sa kaniya dahil palagi siyang wasted sa inuman.

Mukhang natamaan siya sa sinabi ko. Awkward siyang ngumiti at pakunwaring sumangayon. Ganito ang mga tao sa lugar na ito. All they know is leisure. Party here, party there kaya naman failed here, failed there tapos cheat here, cheat there kapag desperada ng pumasa.

"Don't worry. Midterm exams pa lang naman yan. Madami pang exam. Madami pang pagkakataon."

Madami ka pang ibabagsak kapag ipinagpatuloy mo yang kalandian mo.

"Thank you Amber. You're so nice. Naisip ko tuloy na palagi na lang akong sumama sayo dahil good influence ka. Tama! Total business partners naman ang Daddy natin kaya why not diba? Teka I'll Call him na."

What the fuck. Why did it gone wrong?

"Hello Dad? Are you busy?"

Halos sumabog ang eardrum ko sa mga naririnig kay Nancy. Ang maliit niyang boses na pabebe kasabay ang mga salitang magiging dahilan ng pagkasunud sunuran ko na naman ang bumabasag sa aking tenga.

Paper HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon