Verse 21

180 10 9
                                    

Wake Me Up

"Good Morning Dad!" bati ko sa kaniya pagkapasok ng dining room.

"Good Morning."

"Good Morning Tita."

"Good Morning Amber."

Lumingon ako sa direksyon ni Alice. Nakatingin siya sa akin at nakangiti.

"Good Morning Amber!"

"Good Morning."

Umupo na ako sa aking pwesto at nagsimulang kumain.

Dad and I are finally in good terms. Matapos ang pagsasabi namin ng mga hinaing sa isa't isa ay parang may nabasag na pader sa aming dalawa.

We're not that close like him and Alice. But I can talk to him freely without getting scared of his reaction. Tahimik pa rin siya pero wala na yung intimidating look niya.

"Hon, why don't we have a vacation?" sabi ni Tita Alicia.

"I have work." sabi ni Daddy.

"Oh come on. Nandyan naman si Jaime."

"Oo nga Dad! Bakasyon din ni Amber oh. Let's go to Australia!"

Napatigil ako sa pagkain. Vacation to Australia? With them?

Tumingin ako sa kanila at nakitang nakatingin rin silang lahat sa akin. Tumikhim si Dad at pinunasan ang kaniyang bibig.

"Do you want to go with us Amber?" tanong niya.

Hindi agad ako nakasagot. This is the first time Dad ask me on a vacation. Kung noon ay agad akong tumatanggi sa anyaya ni Tita Alicia ay ngayon ay nagdadalawang isip na ako.

Australia? I've never been there. I've never been outside the country. Palagi lang akong nasa mansyon at hindi lumalabas kahit na bakasyon.

"Sure Dad." nakangiti kong sabi sa kaniya.

Alice squealed like a child. Pumapalakpak si Tita Alicia at ngumit naman si Dad. Sumubo na ulit ako ng pagkain.

"Finally, Amber is joining us. We're complete!" masayang sabi ni Tita Alicia.

"This vacation is gonna be so lit!" sabi ni Alice.

Napagdesisyonang sa isang linggo na agad ang alis namin. Pahirapan pang pinilit ni Alice si Dad na mag bakasyon kahit dalawang linggo. Dahil workaholic si Daddy ay isang linggo lang daw siyang sasama at mauuna na siyang umuwi. Bahala na daw kami kung gusto pa naming bumalik.

"Bakit hindi kayo magshopping na dalawa ni Amber, Alice? Para sa gagamitin niyo sa trip. " sabi ni Tita.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Alice. Napaiwas naman ako ng tingin at bumalik sa pagkain.

"Good Idea Mom! Kailangan ko ring mamili ng pasalubong sa mga friends ko. Amber, okay lang?"

"Okay lang." mabilis kong sabi.

Nakita ko ang gulat sa mga mata ni Alice. Nagpatuloy lang ako sa pagkain at hindi siya pinansin. Hindi nya siguro inaasahang papayag ako ng ganoon kabilis.

Napagisipan ko na ngayong maayos na kami ni Daddy, siguro ay makikipag ayos na rin ako kay Alice. Alam kong magiging akward pero kailangan kong subukan. Dahil gusto ko nang mawala lahat ng bara sa lalamunan ko. Bagong simula.

"Bye Mom, Dad! Alis na kami!"

After bidding our goodbyes, we started walking outside the house. As expected, silence conquer our space. This will never be easy.

Paper HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon