Verse 20

172 13 2
                                    

For The Love of a Daughter

Nagising ako sa lakas ng tunog ng aking phone. Pikit mata kong kinapa ang telepono sa aking bed side table. Nang makuha ay tiningnan ko ang tumatawag. Napangiti ako ng makita ang pangalan ni Chad.

"Good Morning!" masayang bati nya sa akin.

"What's good in the morning? Ang aga mong manggising!" pagtataray ko sa kaniya.

"Aw. Galit sya sa akin. Na miss lang naman kita."

"Na miss? Araw araw, gabi gabi na tayong magkatawagan. Palagi pa tayong magkasama sa school. Di ka ba nagsasawa?"

"No. Kung pwede nga lang ay dito ka na sa amin tumira eh."

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Habang patagal ng patagal ay pagaling siya ng pagaling sa panlalandi. Samantalang ako naman ay hindi masanay sanay sa kaniya.

Mahigit isang buwan na simula nung Birthday ni Blaster. Isang buwan na simula nung 'sinagot ko na daw siya'. Wala kasi akong maalala pagkatapos ng gabing iyon. Tanging ang mabibiyak ko nang ulo ang naging remembrance ko kinaumahan.

Nagulat na lang ako ng bigla nyang sabihin sa lalaki kong kaklase na noo'y kausap ko tungkol sa assignment na boyfriend ko siya. Dahil siguro sa sobrang kalasingan ko ay nasagot ko na siya.

Simula noon ay mas naging malanding lalaki na siya. Palaging nakadikit, palaging makulit, at mas nakakabuwisit. Gusto niyang mag holding hands kami na kinaiinisan ko dahil sa pinagtitinginan kami ng mga tao. Gusto niyang subuan ako ng pagkain sa cafeteria. Gusto niyang magkaroon kami ng tawagan sa isa't isa. Hindi na talaga ako iinom. Ipinapangako ko yan.

"Agang aga napakalandi mo na naman." sabi ko kahit na kinikilig naman.

"Yiie gusto naman niya."

"Gusto mo mukha mo."

"I love you too."

"Ewan ko sayo."

"Mag ayos ka na ng sarili mo. On the way na ako."

Pinatay ko na ang tawag matapos naming mag usap. Pumunta na ako sa banyo at nagsimulang maligo.

Halos maubos sa akin ang sabon. Kailangan kong kuskusin ng maigi ang aking sarili dahil didikit na naman at yayakap sa akin si Chad. Ayaw ko namang makaamoy sya ng di kaaya aya sa akin. Nakakahiya iyon.

Matapos kong maligo ay tinuyo ko na ang aking buhok. Nagsuot ng damit at naglagay ng make up.

"You're getting prettier and prettier everyday Amber." puna ko sa aking sarili.

Kinuha ko ang aking bag at lumabas na ng kwarto. Nakasabay ko sa hagdan si Alice na hanggang ngayon ay hindi pa rin umaalis. Hanggang kailan kaya ito dito? Wala ba siyang pasok?

"Good Morning Sis! Susunduin ka ulit ni Boyfie mo?"

"Wala ka bang pasok?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Fortunately yes. Bakasyon namin. Sa isang buwan pa ang balik ko."

"Tagal pa." malakas kong sabi.

"Hey hindi ka na naman magbebreakfast?" sigaw nya ng nasa pintuan na ako ng bahay.

"Ayaw ko!" sigaw ko sa kaniya tsaka lumabas na ng bahay.

Binati ako ng mga guards namin ng makalapit ako sa kanila. Pinagbuksan nila ako ng gate. Ilang sandali pa ay nakita ko na ang sasakyan ni Chad. Tumigil ito sa tapat ko. Lumabas si Chad at binati ang mga guard. Matapos ay pinabuksan nya ako ng pinto. Agad akong pumasok at ganoon din siya. Nagsimula na siyang magmaneho.

Paper HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon