Verse 22

158 15 2
                                    

Jealous

"Bye Daddy! Bye Mom!"

Lumapit si Ate Alice kina Tita Alicia at Daddy para humalik sa kanilang mga pisngi. Kasalukuyan kaming nasa airport pabalik ng Pilipinas. Sa kabutihang palad ay inabot kami ng isang buwan na bakasyon. Mabuti at hindi naging KJ si Dad.

"Alice don't do silly things here. Wala kami dito para samahan ka. Mag aral ka ng mabuti." sabi ni Daddy.

"Yes Dad! That's what I always do." mayabang na sagot niya.

"Mag ingat ka Anak!" sabi naman ni Tita Alicia.

"Yes Mom! Sis!"

Lumapit siya sa akin at binigyan ako ng mahigpit na yakap. Nasanay na ako sa ganitong klase nang pagtrato niya sa akin. Nakakatawa dahil parang siya pa ang mas bata pa sa aking umakto.

"Bye Ate! Never forget your pills!" pambibiro ko sa kaniya.

"What the heck! Siyempre!"

"Bye!"

Nagsimula na kaming maglakad paalis. Kumaway ako sa aking kapatid hanggang sa tuluyan na akong makapasok. Kinuha sa amin ang aming luggages at nag intay na kami ng masasakyan na eroplano.

"How's the trip Amber? Did you enjoy it?" tanong sa akin ni Tita.

"Super tita! Best trip ever!" masaya kong sabi.

"Mabuti naman at nag enjoy ka. I sacrificed my one month in work for this." sabi ni Dad.

Hinampas naman siya ng kaniyang asawa. Natawa ako sa pagtatalo nilang dalawa. Hindi na mababago kay Dad ang pagiging workaholic. But I admire him for his hardwork. Madami siyang napagawa at naging pagmamay ari. I saw it with my own eyes.

Binuksan ko ang social media ko para tingnan ulit ang notifications. Napangiti ako ng makita ulit ang sandamakmak na comments at friend request sa akin. Nakita ko rin ang mga tags sa akin ng aking video habang kumakanta noong concert ni Sol.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin mag sink in sa akin na nakita ko si Sol. Napanood, narinig kumanta, at nakausap pa. Higit sa lahat ay nakasama ko siya sa stage at hinayaan akong kantahin ang kaniyang kanta ng mag isa.

Pagkatapos ng araw na iyon ay sandamakmak na friend request na ang natanggap ko. Itinag din sa akin ang mga videos ko habang kumakanta. Abot langin ang aking tuwa ng mabasa ang mga positibong comments nila. Walang sawa rin naman akong nagpapasalamat sa kanila.

"Amber let's go." sabi ni Dad.

Tumayo na ako at sumama sa kanila. Pagkapasok ng eroplano ay umupo na ako sa aking pwesto. Nasa tabi pa rin ako ng bintana ngunit wala na akong katabi.

Ilang mga sandali pa ay nagtake off na ang eroplano. Tumingin ako sa bintana at pinagmasdan ang unti unting nawawalang pigura ng mga imprastraktura ng lugar.

Sa lugar na ito ay natupad ang isa sa mga pangarap ko.

I will never forget this trip. This place will leave special place in my heart.

Sa buong byahe ay hindi ako nakatulog. Nanood lang ako ng movies. Namalayan ko na lang na nakababa na ang eroplano sa airport.

Sumunod ako kina Daddy pagbaba ng eroplano. Ang pamilyar na simoy ng hangin ang bumungad sa akin. Nasa Pilipinas na ulit ako.

Pinagmasdan ko ang mga taong nakaabang sa mga mahal nila sa buhay. Kitang kita ang pagkasabik sa kanilang mga mata. Nalimutan kong sabihan si Chad na ngayon kami pauwi. Bukas ko na lang siya tatawagan.

Pagkakuha ng mga bagahe ay lumabas na kami ng NAIA. Nakaabang ang aming van kung saan nasa labas na ang aming driver. Binati niya kami isa isa at tinulungan sa paglalagay ng mga bagahe.

Paper HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon