Hotline Bling
“Okay Good! I like it! Tama yan Ambrose. Fiercer! JK lumapit ka pa sa girlfriend mo. I need more from you. Hawakan mo siya kung kailangan.”
Mas lumaIapit nga sa akin si JK at hinawakan ang braso ko. continue projecting in front of the camera. Patuloy naman sa pagpuri ang photographer sa ginagawa namin. Iba’t ibang angle at papalit palit kami ng pwestong dalawa. Hindi rin nagtagal ay sinabi na nitong tapos na ang couple shoot.
“YoonMin, Minnie! Kayo na.”Tumayo na ang dalawa sa kanilang pwesto. Kinindatan ko si Minnie nang makalapit siya sa akin. Natawa ako ng bigla niya akong irapan at lagpasan. Masyadong seryoso. Kapag siya naman ang nang aasar sa akin buhay na buhay siya tapos pag ako na. Haay.
“Water.”
“Thanks.”
Inabot ko ang tubig na nasa kamay ni JK. Pagkabukas ng bote ay agad ko itong ininom. Itinuon ko naman ang atensyon sa dalawang pares na kasalukuyang kinukuhaan ng litrato ngayon. Minnie never fail to impress me. Pagdating talaga sa mga photo shoot ay nangingibabaw siya.
“Tingnan mo. Ayaw maglapit.” tumatawang sabi sa akin ni JK.
Natawa ako ng makita ang distansya sa pagitan nilang dalawa. Maganda nga ang projections nila ngunit ayaw nilang maglapit. Napangisi ako ng sinabihan na sila ng photographer na lapitan ang isa’t isa. Sumimangot si Minnie at umismid si YoonMin- sunbae ngunit sinunod pa rin ang utos.
“Wag sana silang sumabog.” tumatawa kong sabi.
Ni retouch ang aming mga make up at pinalitan ng damit. Nang matapos ang dalawa ay sila naman ang inayusan. Pagkatapos suotin ang magkakakulay na damit ay pinapwesto na ulit kami para kuhanan ng litratong apat. Bigay todo kami sa pagpoproject sa harap ng camera.
BINABASA MO ANG
Paper Hearts
Fanfiction"Dream is more important than love. That's why I did everything to grab a star and replace it by myself. I was longing for freedom and joy. I sacrificed a lot to get the position where I'm in. I chose my dream and leave my loved one behind because I...