Verse 29

144 7 2
                                    

Honey

Humihingal akong napaupo sa sahig ng studio. Kinuha ko ang aking tubig at mabilis na ininom ito. Tumingin ako sa wall clock at nakitang alas una na ng madaling araw.

Kanina pa natapos ang practice namin para sa group performance pero nagpaiwan akong mag isa dito. Kailangan kong magpractice.

Pagod man ay kinuha ko ang aking gitara para ipractice ang solo song ko. Sa mga nakalipas na tatlo pang evaluation ay hindi pa ako gumagamit ng MR. Mas komportable kasi ako na ako ang gumagawa ng sarili kong accompaniment sa aking boses.

It's very exhausting and pressuring. That's what I can say for the past 3 months of being a trainee.

There's a lot to do in one month. Weekly, we need to film ourselves a vocal video, dance video which are particularly krumping and popping, also we need to take individual photos. There are language class and acting class. And also, there is a challenge in every evaluation.

Even if it's damn difficult and tiring, we cannot do anything about it. We are required to do it. This whole system is like a school. But more strict rules and mean environment.

Each of us spend about 30 minutes with a vocal trainer and 2 hours for the dance trainer. After that we'll spend our time doing our own created steps by ourselves. Most of the time we were all by ourselves. Training individually. The trainer will come back after 3 hours or so.

And in those three months, I never reached the rank 1. It's always Eunbi. I was always the second and there was a time when I got 3rd place and Hanna became 2nd. That is last month. That's why I'm here. Practicing on my own.

The task for this monthly evaluation is duet. My partner is Hye Soo. She's nice and funny. Positive thinker and 4D. Masaya naman syang kasama pero siyempre akward pa din.

Ang sabi nya sa akin kanina ay pupuntahan nya daw ako para makapag practice kaming dalawa after ng group performance. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya.

Speaking of her, biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang pawisang siya. Nagulat ako ng may isa pang pumasok na babae. The girl with a cat eye. Si Minnie.

"Pasensya na Ambrose ngayon lang ako nakadating. Kakatapos pa lang kasi ng group practice namin eh."

"Okay lang. Kakatapos ko lang din magpractice."

"Ganoon ba. Ay nga pala, si Minnie. Friend ko. Trainee din sya."

Lumingon ako sa direksyon ni Minnie at nakitang nakatutok na sa akin ang mga malapusa nyang mga mata. Inilahad ko ang aking mga kamay na agad nya ding inabot.

"I'm Ambrose."

"Minnie."

Tumabi na sa akin si Hye Soo. Sa harapan naman namin ay si Minnie. Magkaibigan pala sila?

"Sige start na tayo Ambrose."

Nagsimula na nga akong magtipa ng strings. Ako ang unang kumanta. Sumunod ay si Hye Soo. At may part na magka duet kaming dalawa. Magaling mag blend si Hye Soo. Tumataas at bumababa ang kanyang boses para mabagayan ang boses ko. Siya ang nag aadjust. Kaya naman sa tingin ko ay marunong talaga syang kumanta. Maganda naman ang kanyang boses.

Natapos ang kanta namin.

"Anong masasabi mo Minnie?"

Lumingon ako sa direksyon ni Minnie. Poker face pa din ang kanyang mukha. Ang cold nya talaga tingnan. Kahit minsan ay hindi ko pa sya nakikitang ngumiti.

At hindi ko inaasahang makita yun ngayon. Bigla syang ngumiti. Lumiit ang kanyang mga mata at umarko ang kanyang mga labi. Malayo sa kanyang mala yelong awra ay ang cute nya biglang tingnan. Mas maganda sya kapag nakangiti.

Paper HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon