Verse 5

181 9 0
                                    

Who You Are

"Good Morning Class. Remove all your things and get a one sheet of paper."

Tumigil na ako sa pagrereview at isinarado ang notebook. I put it inside my bag and get a bond paper.

"Amber."

Lumingon ako sa tumawag sa akin. Nakita ko si Freddy na sumesenyas ng papel sa akin. Kumuha ulit ako ng papel at iniabot ko sa kaniya. Binigyan ako ng okay sign. Plastik ko siyang nginitian. Basta't wag lang sagot ang hingiin niya.

I took the papers in my classmate's hand in front and get one then pass it at the back. I examine the test paper. Sa kabutihang palad ay masasagutan ang mga tanong dahil kasama ito sa mga itinuro niya.

I started answering. Masyadong tahimik ang paligid kaya naman nagfufunction ang utak ko. I read the questions twice to avoid mistakes.

I felt a sudden movement in my chair. Bigla kasing bumaliko yung sulat ko sa papel. Pasimple akong lumingon sa at nakitang sinisipa ni Jane ang upuan ko. Nagkunwari akong hindi siya napansin at nagpatuloy sa pagsasagot.

Ilang sandali pa ay sinisipa na naman niya ang upuan ko. Nagpanggap akong abala sa pagsasagot kahit na tatlong tanong na lang ang hindi ko pa nasasagutan. Manigas siya diyan. Hindi ko siya patutularin. Ilang beses kaming nagreview ni Nancy sa library at ilang beses ko rin silang niyaya pero hindi siya sumisipot. She'll study by herself na lang daw. Now suffer.

Bago pa tuluyang masira ang inuupuan ko ay tumayo na ako. Umisod ang upuan dahil sa sipa ni Jane. Napatingin ang professor sa kanya.

"Oops."

"Stop kicking the chair. Hindi ka magkakasagot kakasipa diyan." sabi sa kaniya ng professor.

Naglakad ako papuntang unahan at ibinigay sa guro ang papel. As usual, all of my classmates are staring at me. Ako na naman kasi ang naunang magpasa.

"Kanina pa ba niya sinisipa ang upuan mo?" mahinang tanong ng Professor.

"Yes sir."

"Nanghihingi siguro ng sagot ano?"

"Hindi ko po alam. Masyado po akong focused sa pagsasagot kaya hindi ko napansin."

"Mabuti na rin yun nang hindi nakakopya yang mga irresponable na mga yan. Alam ko namang hindi ka rin magpapakopya."

Naglakad na ako pabalik sa upuan ko. Hindi ko nilingon si Jane dahil alam kong masama ang tingin niya sa akin. Kinuha ko ang aking bag at lumabas ng room. Agad akong dumiretso sa comfort room.

May ilang tao sa loob na kasalukuyang nag aayos rin ng sarili. Some girls smiled at me. Nginitian ko rin sila kahit hindi ko sila kilala. I guess I'm really popular.

Nag ayos na rin ako ng sarili. I put some pressed powder on my face and lip tint on my lips. Light make up will do for a natural beauty like me. Damn. I'm so arrogant.

"You're so pretty." sabi sa akin nung isang babae.

"Oh. Thank you. You're pretty too."

Namula siya at pasimpleng iniligay ang buhok sa kaliwang tenga. Okay?

Bigla akong nakaramdam ng pagkaihi. Pumasok ako sa cubicle at doon inilabas ang maduming tubig sa katawan.

"Shit. Bagsak na naman ako sa quiz na iyon." sabi ng isang pamilyar na boses.

"Bakit mo nga pala sinisipa yung upuan ni Amber? Nangongopya ka no?" natatawang sabi ni Daisy.

"Bwisit. Pinaalala mo pa yan! Napakadamot ng babaeng iyon! Kunwari pang hindi ako napapansin pero alam ko namang alam niyang sinisipa ko na yung upuan niya!"

Paper HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon