Surrender
Matapos isara ang zipper ng aking bagahe ay tumayo na ako at binitbit ito. Muli akong tumingin sa aking repleksyon sa salamin. Halos hindi na makita ang puti ng aking mga mata dahil sa pagpaga nito dala ng walang tigil kong pag iyak kanina. Hindi na ako nag abala pang mag ayos. Dahil wala rin namang mangyayari.
Lumabas ako ng aking kwarto at tumingin sa katapat na pintuan ng akin. Sa loob ng kwarto na iyan naroroon ang lalaking gumago sa akin. Iwinaksi ko na ang iniisip dahil ayaw ko nang madagdagan pa ang paga ng aking mga mata. Tumingin akonsa orasan at nakitang ala sais y media na ng umaga.
Pagkalabas ng bahay, tanging ang araw na sisikat pa lamang at ang mahinahong alon ng tubig ang nakita ko. Wala pang tao sa labas. Mga tulog pa silang lahat.
Nagsimula na akong maglakad. Kailangan kong makaabot sa flight. Alas onse ng umaga ako nag book kanina kaya naman kailangan kong magmadali. Lalo na at hindi ko tukoy ang lugar na ito. Hindi ko alam kung saan ang pasikot sikot kaya kailangan kong agahan ang alis. At wala rin naman akong dahilan para magtagal pa sa lugar na iyon.
Sa ilang minutong paglalakad ay nakalabas rin ako ng resort. Binati pa ako ng mga staff at sinabihang bumalik. Fuck. Kahit kailan ay hindi na ako babalik dito.
Dahil wala naman akong sasakyan ay nag intay ako ng taxi. Ngunit kahit isa ay walang dumaan. Puro tricycle lang ang tumitigil sa aking tapatan. Kaya naman ng may tumigil pa ulit na isa ay sumakay na ako.
"Kuya saan po ang airport dito?"
"Naku Maam. Malayo po ang airport dito. Ihahatid ko na lang po kayo sa pinakabungad ng baryo para makasakay kayo sa taxi. Tapos dun na lang po kayo magpahatid." sabi ng lalaki na may bahid ng pagka Cebuano ang dialekto. Mabuti na lang at marunong syang magtagalog. Hindi ako nahirapan.
"Sige po Manong. Pahatid po kahit hanggang doon."
Umandar ang tricycle ng may katamtamang bilis. Mabuti na lang talaga ay inagahan ko. Dahil mahuhuli ako kung nagtagal pa ako doon. At makakapanakit ako ng tao.
Pinagmasdan kong muli ang mga nadadaanan. Maganda ang lugar. Ngunit kahit ano pang ganda ng lugat na ito ay kailangan ko syang kalimutan. Dahil sa lugar na ito nag iwan ng isang masama at masakit na katotohanan.
Tumigil ang tricycle sa tapat ng isang shed. Hindi gaya kanina ay mas malawak na ang daanan dito. Bumaba ako ay inabutan sya ng pera. Hindi ko na hiningi pa ang sukli dahil wala rin naman akong barya. Labis syang nagpasalamat sa akin.
"Intayin ko na muna kayo Mam na makasakay. Wala po kayong kasama baka matambangan kayo ng masasamang loob dyan. "
"Naku salamat Kuya!"
Gaya nga ng sinabi niya ay sinamahan nya akong mag intay ng taxi. Hanggang sa may dumaan at sya pa ang nagpahinto dito.
"Ihatid mo sa Mactan Airport. Wag ka masyadong mabilis magpatakbo ay baka maaksidente kayo. Mag ingat ka sa pagdadrive ha."
Tanging ang Mactan Airport at drive lang ang naintindihan ko sa sinabi ng tricycle driver. Pinagbuksan nya ako ng pintuan at nagpasalamat ako sa kanya pagkasakay ko. Umandar na ang taxi.
"Kuya Mactan Airport!"
Tumango ang driver at nagpatuloy sa pagdadrive. Binuksan ko naman ang aking telepono para tingnan kung anong oras na. Mag aalas otso na ng umaga. Abot pa naman ako siguro nito.
Masasabi kong matagal ang naging byahe dahil hindi mabilis magpatakbo ang taxi driver. Pero alas dies naman ay nakarating na ako sa airport. Gaya kanina ay hindi ko na naman hiningi ang sukli dahil malayo ang naging byahe. Agad na nagpasalamat din ang driver.
BINABASA MO ANG
Paper Hearts
Fanfiction"Dream is more important than love. That's why I did everything to grab a star and replace it by myself. I was longing for freedom and joy. I sacrificed a lot to get the position where I'm in. I chose my dream and leave my loved one behind because I...