Verse 23

152 15 0
                                    

Mad

"Waaaah! Amber!" malakas na sigaw ni Blaster ng makita ako.

Yayakapin na sana niya ako ng iharang ni Chad ang katawan nya dahilan para sya ang mayakap nito. Nagtawanan kaming lahat sa nakita.

"Hey Amber! Thank you sa pasalubong!" sabi sa akin ni Wendy

"You're welcome. Musta ang bakasyon?"

"Nagpapatawa ka ba Amber?" sarkastikong tanong ni Trevor.

"Oops. Nalimutan ko. Nag intern nga pala kayo." tumatawa kong sabi.

"Buti ka pa nakapagbakasyon." sabi naman sa akin ni Ludwig

"Buti pa kayo graduating na." sabi ko.

Hinigit ako palapit ni Chad sa kaniya. Nagsimula na namang mang asar ang mga kaibigan nya.

"Clingy." sabi ni Blaster.

"Tara na."

Nagsimula na kaming maglakad na anim. Kasalukuyan kaming nasa school para mag enroll. Gusto ko sanang mag online enrollment na lang pero dahil gusto kong makita itong mga mokong na ito ay sumabay na lang ako sa kanilang lahat.

"Guys dala nyo ba yung mga requirements niyo?" tanong ni Wendy sa kanila.

"Yes Maam!"

Una kaming pumunta sa aming building. Dumerecho kami sa faculty. Kumatok si Blaster sa pintuan at pumasok.

"I'm back!" malakas nyang sigaw na ikinagulat ko.

"What the hell?" gulat gulat kong sabi.

Ngunit parang wala lang sa mga kasama ko ang ginawa ni Blaster. Bagkus ay pumasok ang mga ito at nagsigawan gaya ng naunang kaibigan.

"Chad. Hindi ba sila mapapagalitan?" nag aalal kong tanong.

"Siyempre hindi. Sipsip yang mga yan.  Ka close ang mga prof." paninirang puri ni Chad.

Pumasok na kami sa loob. Nakita ko ang tumatawang mga professor sa loob. May ilan ring mga estudyante na takang taka sa ginagawa nila. Sana walang mga freshman dito. Nakakahiya.

"Kamusta Maam? Ano tong mga to freshmen?" tanong ni Ludwig.

"Uy tinatanong, bakit may type ka? Tanda mo na tsong!" pang aasar ni Wendy.

Biglang namula si Ludwig sa sinabi ni Wendy. Tawa naman ng tawa sina Blaster at Trevor na sumasabay sa pang aasar. Grabe na miss ko to.

"Hindi ah! Igagaya mo pa ako kay Chad! Mahilig sa mas bata sa kaniya!"

Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Ludwig. Mas lumakas ang tawanan dahil sumabay na sa tawa ang mga professor. Hiyang hiyang hinabol ni Chad si Ludwig.

"Boyfriend mo na si Chad, Amber?" tanong nung isang professor.

"Opo Maam."

"Anong pinakain sayo nyan? Ba't mo sinagot?" natatawang sabi nya.

"Haha." sabi ko na lang.

Matapos ang walang hanggang pagaasaran ay nakakuha rin kami ng pre enrollment form. Matapos mag fill up ay umalis na kami para magpunta sa registrar.

"Naalala ko pa. Noong unang taon natin dito." sabi ni Trevor.

"Walang nagtatanong." pambabara ni Ludwig

"Pake mo gusto kong magshare dito. Leche!" gigil na sabi ni Trevor.

"Ako din naalala ko pa yung first year ko dito. Sobrang saya. Nagkaboyfriend pa nga ako." sabi naman ni Wendy.

Paper HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon