Verse 15

200 14 13
                                    

Creep

"Pua."

Sa akin pumukol ang atensyon ng aking mga kaklase. Nakita ko sa mga mata nila ang ginhawa ng ako ang tawagin ng Professor. May final recitation at board work kami sa isang major subject.

Lumapit ako sa Professor at kinuha ang whiteboard marker niya. Sa mga nakalipas na linggo ay pilit kong hinabol ang mga na miss kong klase. Sangkatutak na homework ang ibinigay sa akin para makabawi ako. Ilang araw rin ang ipinuyat ko sa pag aaral. Mabuti na lang at may pumapasok pa rin sa utak ko kaya kaya kong magsagot sa unahan.

Bumunot na ako ng folded paper sa jar na naglalaman ng mga tanong. Muntik na akong mapasigaw sa inis ng makitang komplikado ang tanong. Binasa ko ito at isinulat na sa whiteboard. Napakamalas ko nitong mga nagdaang araw.

Nagsimula na akong magsagot sa unahan. Kung hindi ko siguro inilaan ang mga oras ko sa pag aaral at nakipagtawagan na lang magdamag kay Chad ay baka wala akong mapiga sa aking utak. Naging hobby ko na ata ang mag aral.

Matapos magsagot ay ipinaliwanag ko sa kanila ang naging resulta. I state the given and equation for the problem. I discussed every detail of my solution. Hindi ko alam kung tama ba ang naging sagot ko.

"That's correct. Pua, you can go back to your chair."

Nakahinga ako ng maluwag at bumalik na sa aking upuan. Sa wakas tapos na akong tawagin. Tiningnan ko ang aking mga kaklase. Hinihintay rin nila ang kanilang kapalaran.

My phone vibrated. Kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang nag message. My lips automatically formed a smile when I saw Chad's username.

Happy Virus:

Break time niyo?

Agad akong nagreply.

Chipmunk Rosie:

Yeah. Kayo?

Happy Virus:

Hindi pa. 1 oras pa.

Chipmunk Rosie:

Ah ganun ba. Two hours vacant naman kami. Intayin ko na lang kayo sa cafeteria.

Happy Virus:

Okay lang? Sama ka muna sa mga kaibigan mo.

I scanned the room and search for Chantal and Jia. Wala silang dalawa pareho. Bakit kaya absent ang mga iyon?

Chipmunk Rosie:

Okay.

Happy Virus:

Take care.

I put my phone back to my pocket. Isinukbit ko na ang aking bag at lumabas na ng room. I will go to the cafeteria and wait for them.

Medyo may karamihan na ang tao sa loob. Pumunta ako sa usual spot na inuupuan namin. Inilapag ko ang aking bag at pumunta sa unahan para bumili.

Sa mga nakaraang linggo ay palagi kong kasama ang MADMAN. Sa mga araw na iyon ay masasabi kong puro pagtawa na lang ang ginawa ko. Nagpapasalamat ako at hindi nila ako itinuturing na iba dahil lower year ako. Blaster and Chad provides daily hilariousness. Ludwig's laughable laugh is our vitamin. Trevor's funny expression is very enlivening. Idagdag pa ang madalas na pambabara ni Wendy sa kanila. Sobrang sayang makasama ang MADMAN.

Matapos kong bumili ay bumalik na ako sa aking pwesto. Mag isa lang ako sa spot namin. Darating naman sila after one hour. Hihintayin ko na lang sila.

"Hi. Pwedeng pa share ng table?"

Agad kong nilingon ang nagsalita. I saw a familiar face. Candidate din ito sa pageant nung nakaraan. Kasama niya ay dalawang lalaki ay isang babae.

Paper HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon