Verse 24

146 17 2
                                    

It Will Rain

"What? Break na kayo?" sigaw ni Ate Alice a kabilang linya ng telepono.

"No! Cool Off lang! Grabe ka naman break agad." sabi ko sa kaniya.

Isinukbit ko ang aking bag at lumabas na ng kwarto. Pagkababa ng hagdan ay mabilis akong naglakad palabas ng bahay. Mukhang late na naman ako.

"Ganun din yun Amber. Kailan pa? Tsaka ano bang nangyari?"

"Nung isang linggo pa."

Pinagbuksan ako ng sasakyan ng aming driver at agad akong pumasok. Inilapag ko sa upuan ang dala kong gamit at mas tinuunang pansin ang ka video call kong kapatid.

"Ano bang nangyari?"

"Napakaseloso. Suntukin ba naman yung kaibigan kong lalaki. Paalis pa man din yun para magtraining sa Korea. Putok ang labi Ate!"

Ka chat ko si Mark nung isang araw at sa kabutihang palad ay nagawan nya ng palusot ang pasa sa gilid ng labi niya. Mabuti na lang. Ang akala ko ay matatanggal agad sya gayong hindi pa sya nagsisimula.

"Ay naku. Baka naman kasi kaselos selos kayong dalawa kaya nagalit."

"Hindi naman Ate. Alam ko kung paano dumistansya ka lalaki lalo na't may boyfriend na nga ako ano! Madumi lang talaga ang utak nung si Chad. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganun sya. Walang tiwala sa akin. "

"Ganoon talaga kapag mahal ka ng tao. May tiwala yun sayo pero sa kasama mo wala. Nagseselos sya kasi natatakot sya na mawala ka sa kaniya at maagaw ng iba. Mahal ka lang nun kaya nya nagawa yun."

"Pero kahit na. Bakit kailangan nya pang manakit ng iba?"

"Nadala lang sya ng matinding galit at selos."

"Hindi rason yun para manakit."

"Hay naku. Ba't kasi ang gaganda natin? May mapalapit lang na lalaki, nababahala na ang mga boyfriend. Yung ka fling ko nga nung isang araw feeling boyfriend ko na kaya iniwasan ko na. Jusme kasakal pag may syota!"

Napairap na lang ako sa naririnig. Ang galing nyang mag advice sa relasyon ko samantalang hindi kaaya aya yung klase ng relasyon na gusto niya. Saan kaya siya nakakahugot ng words of wisdom? Hindi ko alam kung dapat ko bang pakinggan yung mga sinasabi niya eh.

"Ayusin nyo na agad yan ah. Nga pala Sis. Hindi ko alam kung legit to ah. Hindi ba gusto mong maging idol?"

Nakuha niya ang atensyon ko. Umayos ako ng upo at ipinukol ang atensyon ko sa kaniya.

"Bakit?"

"Sabi nung retarded kong kaibigan ay nakita nya daw sa isang Korean Site na magpapa audition daw yung YG sa Sydney. Hindi ko alam kung totoo to ah. Sabi ko retarded yung kaibigan ko Amber."

"Saang site nya daw nakita?"

"Sa Boorea daw. May site bang ganun? Pangalan pa lang ka boo boo na eh."

"Teka Ate."

Binuksan ko ang search engine at hinanap ang site. Naka hangul ang site na hindi ko naman inalintana dahil marunong naman akong magbasa at makainti ng Korean.

"Fuck. Meron nga!" sigaw ko sa kaniya.

"What? Nagsasabi sya ng totoo? Akala ko niloloko lang ko eh."

Binasa ko ang article. Nag announce si YG ng Global Audition. Kasama na rito ang mga Korea, New Zealand, Thailand, at Australia. Ngunit wala pang nakalagay na date. Isinara ko na ang search engine at kinausap muli si Ate.

"Ate meron nga! Shit! Finally! Mag aaudition ako dito! Shit! Ito na yun! Pupunta ako dyan sa Australia at mag aaudition!"

"Ano ba yan Amber bigla din tuloy akong na excite! Hanapan mo ako ng oppa pag natanggap ka!"

Paper HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon