Kabanata 13

43 1 0
                                    

KABANATA 13 : PROTECTIVE JINYOUNG.

NAGISING ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa aking mukha. Tumingin ako sa paligid ko, nagtataka ako kung bakit nandito ako sa kwarto ko dahil ang alam ko ay nakatulog ako sa sasakyan at hindi ko na alam ang mga nangyari dahil napagod ako kahapon sa shoot nila. Sinong nagdala saken dito? Or baka nagising ako kagabi at pumunta na dito sa kwarto ko at dito ko na lang itinuloy ang tulog ko? Pero wala akong maalala. Siguro ay may nagdala saken dito.

Suot suot ko pa din ang damit na suot ko kahapon, sa sobrang pagod ko ay hindi ko na nagawang maglinis kagabi ni hindi ko nga alam ang nangyari kagabi eh.

Kinuha ko ang towel ko kumuha din ako ng damit at yung mga gamit ko sa paliligo. Maliligo na muna ako kasi parang ang baho baho ko na. Bumaba na ako dahil nasa baba ang CR. Pagbaba ko ay nakita kong naglalaro ng PS4 sa living area si BamBam at Jackson, samantalang si JB at Yugyeom ay nag ce-cellphone, si JINYOUNG naman ay nagbabasa ulit at si MARK at Youngjae naman ay nilalaro si Coco. Si coco ang alagang Aso ng GOT7 napaka puti ng mga buhok nito at napaka lambing din at ang cute cute nya. Nung pagdating ko dito sa bahay na ito ay sumalubong saken ang napaka cute na asong sing coco kaya kung minsan ay nilalaro ko sya.

Nagpatuloy na ako sa pag lalakad papuntang CR ng biglang may tumawag saken.

"Good morning, kanina ka pa ba gising?" Saad ni JB habang papalapit saken.

"Ah oo eh. Kumain na ba kayo?" Tanong ko. "Wait lang maliligo lang ako ng mabilis tapos pag lulu--". Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil nagsalita si JB habang natawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko ?

"Okey lang, kumain na kami. Take your time." Saad nito. Napahiya naman ako dun.

"Ah sorry, sige liligo muna ako. Excuse me." Pag papaalam ko.

"Pag gusto mo kumain, may pagkain pa sa table. Sige". Pagkasabi nya nun ay bumalik na sya dun sa living area.

Naglakad na ako papunta ng CR. Binuksan ko yung shower at binasa ko na ang buong katawan ko. Ang sarap maligo parang natanggal lahat ng pagod ko at nakakarelax ang init ng tubig.

Natapos na ako maligo at nagbihis na din ako sa loob ng CR. Lumabas na ako sa CR at iniwan ko na dun yung ginamit ko sa CR. Naka short lang ako na parang Jumper style medyo hanggang hita at hindi naman ganun kaiksi ang suot kong short at naka tshirt lang ako habang yung ulo ko ay may towel para hindi mabasa yung likod ko dahil mahaba ang buhok ko at para din matuyo, sanay naman akong mag short pero hindi ganun kaiksi tsaka Jamperstyle naman ito eh.

Naglakad na ako patungo sa Dining table para kumain, napansin kong parang may nakatingin saken. Umupo na ako para kumain pero bago ako kumain ay nag Sign of the cross muna ako dahil ugali na namin yun sa bahay. Nag umpisa na akong kumain at napansin ko na naman na parang may nakatingin talaga saken. Naiilang ako kaya tumingin ako sa Living area at ayun nga, nahuli ko silang nakatingin saken. Bakit sila nakatingin saken? Umiwas agad sila ng tingin ng makita ko silang nakatingin saken.

Natapos na akong kumain at hinugasan ko na din ang pinagkainan ko kaya naman umakyat na ako para patuyuin ang buhok ko. Wala naman kaming gagawin ngayon dahil next pag na release na yung MV nila ay dun na mag uumpisa ang napaka Busy naming araw. Nag ayos na din ako, naglagay lang ako ng moisturizer sa mukha ko kasi medyo malamig dito sa Korea kaya naglalagay ako, tapos ay nag lagay din ako ng BB CREAM at baby powder sa mukha ko at liptint para sa Labi ko. Bumaba na ako at ganun pa din ang ginagawa nila kaya naman pumunta ako ng kusina at binuksan ko yung ref, nagulat ako pagbukas ko ng ref dahil kokonti na lang ang laman ng ref namin pag tapos ko tignan ang ref ay tiningnan ko din ang isang Cabinet na lagayan din ng pagkain at yun na nga, kokonti na lang din ang stocks namin. Kailangan ko ng mamili ng pang stocks ng pag kain dahil wala na pala kaming stocks sa ref at cabinet. Kahit papaano ay marunong akong mag grocery dahil lagi akong sinasama ni Manang Tessie sa na bumili sa grocery.

Pumunta ako sa living area at dumako ako sa pwesto ni JB. Lahat sila ay nagtinginan saken paglapit ko kay JB

"Ahmmm... JB pwede bang mag grocery na ako ngayon? Wala na kasi tayong stocks sa ref at cabinet eh." Saad ko. Medyo nahihiya ako kasi nakatingin ako saken. Myghad.

"Ah ganun ba? Sige mag go-grocery tayo." Saad nito.

"Tayo?". Saad ko nagtatanong.

"Yes. Sasamahan kitang magrocery". Saad nito. Kaya ko naman eh.

"Hyung sama ako". Saad ni Jackson.

"Me too Hyung". Saad ni Youngjae.

"Lahat na kaya kayo sumama, tutal medyo madami tayoong bibilhin kaya kailangan ng tagabuhat. Tara na!". Saad ni JB. Akmang tatayo na sila ng pigilan ko sila.

"Ah.. wait lang.. Kaya ko naman mag isa eh, dito na lang kayo.. magpahinga na lang kayo.. ako na lang ang pupunta sa grocery mag isa." Saad ko. Natigilan sila saglit.

"Hindi pwede. Babae ka tsaka medyo madami yung bibilhin mo pati mabigat din yun kaya hayaan mo kaming tumulong sayo, Okey?" Saad ni JB sabay tapik sa ulo ko.

"Let's go na." Saad ni Mark ng nakangiti.

"S-sige". Saad ko. Sumunod ako sa kanila. Habang nakasunod ako sa kanila nagulat ako ng biglang may naramdaman akong kamay na humawak sa kamay ko. Nagulat ako sa nakita ko dahil si.

"Jinyoung?." Saad ko habang nakatingin sa kanya at sandali kaming natigil sa paglalakad. Nauna na yung iba sa sasakyan at kaming dalawa ni Jinyoung yung naiwan dito sa loob ng bahay.

"Wag kang lumabas ng bahay ng ganyan ang suot mo, ito oh!!". Saad ni Jinyoung at inabot saken ang isang Jacket. "Isuot mo yan dahil malamig sa labas. Sige una na ako." Saad muli nito. Hindi na ako nakapagsalita at naiwan na naman akong tutlala sa kinatatayuan ko. Bumalik lang ako sa realidad ng narinig ko na ang busina ng sasakyan, kaya naman agad kong isinuot ang jacket na bigay saken ni JINYOUNG. Lumabas na ako ng bahay at sumakay na sa sasakyan, si MARK ang Driver namin ngayon at papunta na kami sa Grocery. Tumingin ako saglit kay Jinyoung na sakto namang nakatingin din sya kaya naman umiwas na lang ako ng tingin.

Bakit nya ginawa yun? Napaka hirap basahin ng isip ni JINYOUNG dahil pa iba iba sya ng mood. Hays.

The Seven Boys And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon