Kabanata 50

24 3 1
                                    

KABANATA 50.

LESLIE'S POV.

Ilang minuto din kaming nagpahinga ni Mark. Pagkatapos namin magpahinga ay napagdesisyunan namin na sumakay sa Space Shuttle at pumunta sa Haunted House.

Pero bago kami pumunta dun ay biglang pumasok sa isip ko sila Nayeon at Jinyoung. Kahit na pinagsalitaan ako ni Nayeon kanina ay ayos lang. Kaya naman tumigil kami sa paglakad ni Mark.

"Sila Nayeon? Sama na lang kaya natin sila." Saad ko kay mark.

"Sigurado ka?" Saad nito pero nginitian ko lang ito at tumango.

"Sige. Hanapin muna natin sila." Saad muli ni Mark. Kaya naman hinanap na namin sila.

Maya maya pa ay nakita na namin silang nakaupo sa isang bench. Nakatungo si Jinyoung kaya naman lumapit ako dito at inilahad ang aking kanang kamay sa kanya.

Dahan dahan nitong tumingin saken. Nakangiti ako sa kanya, kahit na masama ang loob ko sa kanya at sa girlfriend nya ay isinantabi ko muna iyon dahil wala naman akong mapapala kung magtatanim ako ng sama ng loob eh.

Tiningnan nya ang kamay ko tsaka ito muling tumingin saken. Kinuha ko ang kamay nya at hinila sya papunta sa Space shuttle. Ganun din ang ginawa ni Mark kay Nayeon kaya sabay sabay kaming pumunta sa Booth ng Space shuttle para bumili ng ticket. Nang makabili na kami ng ticket ay sumakay na kami at katabi ko ngayon si Jinyoung sa upuan. Hindi ko muna iisipin ang mga nangyari samin dahil gusto ko magkaroon ng maganda at masayang alala sa lugar na ito.

Kagaya ng ginawa ko kay Mark ay hinawakan ko ang kamay nito. Hindi ako tumingin sa kanya nung hinawakan ko yung kamay nya dahil nahihiya ako sa ginawa ko.

Nag umpisa ng umandar ang Space shuttle at syempre lahat ng sakay dito ay nagsisigawan. Hindi namin mapigilan ang sigaw dito. Mas malala pala ito sa Roller Coaster dahil mas mabilis ito at talagang babaliktad ang lamang loob mo sa bilis.

Makalipas ang ilang oras ay natapos na din ang nakakasukang ride na iyon.

"Wow. Malala pa yun sa Roller Coaster ah. Hahaha!!" Saad ni Mark. Tumabi na ako kay mark dahil ang awkward ng nararamdaman ko.

"Ahmmm... gusto nyo bang sumama sa Haunted House?" Tanong ko sa kanila.

"Hindi na.. kayo na lang. May lakad pa kami ni Jinyoung eh.. tsaka kailangan na siguro namin humiwalay sa inyo. Nahahalata ko na kasi ang pag dikit mo sa boyfriend ko eh. Kaya thank you for tonight. Bye." Saad ni Nayeon at naglakad na sila palayo samin.

Hindi ako nakapagsalita sa mga sinabi nya. Ano bang big deal dun?

"Wag mo na lang pansinin yung mga sinabi ni Nayeon. Nagseselos lang talaga yun. Tara na kain muna tayo." Saad ni Mark at hinila na nya ako para kumain.

Nandito na kami sa isang booth na bilihan ng hot dog sandwich. Bumili kami ni Mark at ito na lang ang kinain namin, baka kasi pag kumain kami ng marami ay baka magsuka kami pag sumakay kami sa iba pang rides.

Natapos na kaming kumain, naglakad lakad muna kami ni Mark, tinitignan ang mga rides, mga taong naglalaro sa mga palaruan at mga taong naglalakad while holding hands. Bigla naman akong nakaramdam ng awkwardness sa mga nakikita namin kaya naman tumingin na lang ako sa iba para hindi ko na makita pa ang mga taong nag hoholding hands.

Nagulat na lang ako ng biglang may humawak sa kamay ko kaya napatingin ako bigla sa kamay ko at sa may ari ng kamay. Nakatingin lang ito saken habang nakangiti.

"Hindi mo na kailangan umiwas ng tingin sa kanila dahil nandito naman ako para gayahin sila." Saad nito saken. Feeling ko sobrang pula na ng mukha ko sa ginagawa ni Mark saken. Kaya naman hindi na ako nagsalita at ngumiti na lang din ako sa kanya dahil wala naman akong masabi sa mga pinagsasabi  nya eh.

The Seven Boys And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon