Kabanata 73

26 1 2
                                    

KABANATA 73.

JINYOUNG'S POV.

Medyo gabi na at umuwi na ang GOT6 pero nagpaiwan si Alex.

Nandito na kami sa kwarto namin ni Leslie. Naglilinis ng katawan si Leslie dahil ang dumi na nga damit nito at meron pang mga gasgas kaya gagamutin ko ito paglabas nya sa C.R. si Alex naman ay nasa kwarto na din ng guest room. Lagi kaming may guest room para in case na trip nilang matulog dito ay meron kami.

Nakasarado na din lahat ng pinto at naka double lock na din ang mga ito.

Nakaupo lang ako dito sa kama habang nagbabasa ng book ng biglang lumabas si Leslie na naka PJs na.

Umupo ito sa edge ng kama at kinuha ko naman ang first aid kit. May mga galos si Leslie sa may bandang noo at pati sa siko, meron din itong mga pasa sa binti.

Nilapitan ko ito at sinimulan ko ng gamutin ang mga galos nito.

Una kong ginamot ang nasa mukha nito.

"Dahan dahan lang medyo mahapdi kasi eh." Saad nito na napangiti naman ako.

Dinampi ko ang cotton na may alcohol sa noo nito.

"Ouch! Dahan dahan lang." Saad nito at hinawakan ang kamay ko.

"Dinadahan dahan ko lang.. wag kang malikot para hindi masyadong masakit." Saad ko dito ng nakangiti.

"Jinyoung ah.." Saad nito.

"Hmmm?" Saad ko dito habang ginagamot ang galos nito sa mukha.

"Wala lang. Namiss lang kita, masyado ka na kasing busy lately eh. Pero naiintindihan ko naman." Saad nito saken. Tumingin ako sa mga mata nito.

"Sorry, dahil saken napahamak ka." Saad ko dito. Dahil hanggang ngayon na gi-guilty pa rin ako dahil sa nangyari kay Leslie.

"Hindi mo naman kasalanan ang nangyari eh. Kung hindi ako umalis at umuwi mag isa ng hindi ka kasama eh di sana hindi mangyayari saken ito. It's not your fault, honey." Saad nito habang nakayuko. Kaya naman inangat ko ang mukha nito para makita ang mukha nito. Tiningnan ko ito sa mga mata.

"It's my fault din kasi pinabayaan kitang umalis.. kung may nangyaring masama sayo hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko pati ang taong gumawa sayo ng masama. Simula ngayon iingatan na kita at hindi na kita papabayaan. Ayokong masaktan ka pa, mahal kita kaya iingatan kita." Saad ko dito. Bigla naman akong niyakap nito.

"Salamat kasi nandito ka sa tabi ko ngayon." Saad nito habang nakayakap saken.

"Mag iingat ka na sa susunod huh? Kapag alam mong may mali tumawag ka kaagad saken huh? Pupuntahan agad kita, okey? Mahal na mahal kita." Saad ko dito.

Bumitaw na ito sa pagkakayakap at humarap na saken.

"Mahal na mahal din kita. Saranghe." Saad nito saken.

Nakatingin lang ako sa mga mata nito na parang tinatawag ako nito. Hindi ko alam pero dahan dahang lumalapit ang mukha ko sa mukha nito hanggang sa magdikit na ang aming mga labi.

Hinalikan ko ito ng buong puso at pagmamahal. Hindi ko hahayaan na may makapag hiwalay saming dalawa kahit kamatayan pa yan, mahal ko si Leslie at hindi ko hahayaan na mawala pa ito saken.

Biglang nag init ang pakiramdam ko kaya naman nahiga ko si Leslie sa kama kaya naputol ang aming halikan. Nakatingin lang ako sa mga mata nito.

"Pangako, hindi ko gagawin ang bagay na ito hangga't hindi pa kita pag mamay ari."  Saad ko dito. Ngumiti Lang ito saken. Kahit na mapusok ang halikan namin ni Leslie ay hindi ko pa din gagawin ang bagay na ito. I respect her because i love her. Hihintayin ko munang magpakasal sa kanya bago kami tumungtong sa ganitong yugto.

The Seven Boys And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon