Kabanata 35

28 1 1
                                    

KABANATA 35. GOLDEN DISK AWARD na!

LESLIE'SPOV.

Lumipas ang ilang araw, hanggang sa dumating na ang pinaka malaking araw sa buhay ng mga KPOP artist. Itong araw na ito ay especial sa lahat ng KPOP artist at syempre pati na rin sake  dahil first time kong dumalo sa gantong event. Sila mommy at daddy ay sanay na sa mga gantong event minsan nga big event pa eh, sinasama nila ako pero ayokong sumama dahil kahit mayaman kami ay hindi ako sosyal. Kumbaga ayoko ng mga gantong event. Pero ngayon, no choice ako dahil kasama ito sa trabaho ko kaya kailangan kong dumalo sa event mamaya.

Nasa Secret Mall kami ngayon ng GOT7 dahil dito daw sila aayusan pati daw ako ay kailangan ayusan. Actually kung pwede lang ako na naka Sweatshirt at pants lang okey na saken yun pero ngayon kailangan ko daw mag dress. Ang daming arte ng mga boys.

Inaayusan na kami ng mga make up artist at stylist nila. Nandito din si Manager KIM at si Unnie Jenny dahil kasama din sila sa event.

Makalipas ang ilang oras ay natapos na kaming ayusan. Hindi lang ako ang naka dress pati na din si Unnie Jenny ay inaayusan din.

"Okey guys, let's go. Baka mahuli pa tayo nan." Saad ni Manager KIM.

Nababa na kami ng hagdan pero ako y naiwan pa rin sa taas dahil natatakot ko na baka pagbaba ko ng hagdan ay matapilok ako dahil sa sapatos ko. Hindi ko namalayan na nakatingin pala silang lahat saken at hinihintay ang pagbaba ko.

"Noona, tara na. May nalimutan ka ba sa taas?" Saad ni Yugyeom.

"Ah.. w-wala naman. N-natatakot kasi ako bumaba eh, baka mahulog ako pag bumaba ako dito sa hag--." Naputol ng sinasabi ko dahil nagulat ako sa nangyayari ngayon. Bigla na lang akong umangat na tila may binuhat saken. Si Jinyoung binuhat ako? Nakakahiya di ba? Pwede ko naman tanggalin yung sapatos ko tsaka ako bumaba. Minsan kasi Leslie gagamitin mo ang utak mo. Tsk.

Nakababa na kami at binaba na ako ni Jinyoung mula sa pagkakabuhat nya saken. Tumingin ako sa kanya pero naka poker face lang ito.

"Salamat." Saad ko. Tumingin lang ito sandali saken tsaka naglakad palabas ng Secret Mall.

Problema nun?

Nakasakay na kami sa sasakyan. Papunta na kami sa Event. Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa event ng GDA.

"Noona Jenny at Leslie, dito na tayo bababa, dahil hindi tayo pwedeng sumabay sa kanila, okey? Let's go." Saad ni Manager Kim. Tumango na lang kami ni Unnie Jenny. Bumukas na ang pinto ng sasakyan at isa isa na kaming bumaba nila Manager KIM. Pero bago pa ako makababa ay may humawak sa kamay ko, tiningnan ko ang humawak sa kamay ko, si MARK pala.

"Les,  you look so beautiful." Saad nito. Tumango lang ako. Binitawan na nya ang kamay ko at tuluyan na akong bumaba.

Naglakad na kami at pumasok na sa loob. Napakaraming tao, ang dami ring media. Halos lahat at ng media dito sa Korea ay nandito na. Mas matindi pa pala ito sa pilipinas dahil kahit anong galaw mo ay kita at huling huli sa camera.

Habang naglalakad kami papasok sa loob mismo ng event ay may kumalabit sa likod ko. Tumingin ako sa likod ko kung sino ang kumalabit saken. Si alex lang pala. Naka dress din ito at mukhang pinaghandaan nya talaga ito.

"Buti dumalo ka? Buti na lang dumalo ka dahil kung hindi para akong tanga na kanina pa naghihintay sayo dito." Saad nito.

"Kasama ito sa trabaho ko kaya no choice ako gaga." Saad ko. Nagtawanan kaming dalawa pero mahina lang.

The Seven Boys And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon