Kabanata 20

42 1 0
                                    

KABANATA 20 : JIMIN'S CONFESSION TO LESLIE...

NGAYONG UMAGA na ang alis ng BTS dahil meron silang schedule ngayon sa isang TV show kaya kailangan na nilang umalis dahil mag pe-prepare pa sila para mamaya sa TV show.

Nasa living area kaming lahat para magpaalam sa kanila.

"Beks paano ba yan? Uuwi na kami. Mag iingat ka palagi dito huh? Iwasan mo ang pagiging CLUMSY." Saad ni Alex sabay yakap.

"Opo. Salamat sa pag punta, kailan ulit kayo babalik dito?" Tanong ko.

"Hindi ko alam eh. Basta mag do-doorbell kami sa inyo, kaya hintayin mo yun." Saad nito sabay ngiti.

"As soon as possible, babalik kami pag free na ulit kami." Saad ni Jimin. Ngumiti ito saken kaya nginitian ko din.

"Ang bilis ng oras noh? Tapos na agad ang 3 days. Hays.. Salamat sa pagpapatuloy samin dito sa bahay nyo, next time ulit bro. See you na lang sa GOLDEN DISK AWARD." Saad ni RM kay JB sabay bro hug.

"Welcome kayo dito anytime. See you next month sa GDA. " Saad din ni JB.

Sobrang malapit talaga sila sa isa't isa kahit na mag kaiba sila ng grupo ay nagtuturingan silang magkakapatid.

Lumapit saken si Jimin.

"Excuse me. Leslie, pwede ba kitang makausap? Kahit saglit lang, may sasabihin lang ako." Saad nito. Tumango naman ako bilang sagot. Nauna itong naglakad patungo sa garden kaya naman sinundan ko ito. Bago ako sumunod kay Jimin sa garden ay tumingin muna ako kay Alex at ngumiti dito, yung iba ay nagpapaalam sa isa't isa pero may isang nakaupo lang sa sofa at seryosong nakatingin ito saken. Bakit kaya ganyan na naman ang expression ng mukha nito? Iniwasan ko na din ito ng tingin at naglakad na ako papuntang Garden.

Nang makarating ako sa garden ay nakita kong nakaupo si Jimin sa isang bench dito sa garden kaya naman tinabihan ko ito. Hindi nya ako nilingon, nakatingin lang ito sa mga bulaklak sa harapan namin at nakangiti din ito.

Ako na ang unang nagsalita.

"Jim. Ano pala yung sasabihin mo?" Saad kong nakatingin sa kanya pero sya ay nanatiling nakatingin sa mga bulaklak.

"Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sayo. Alam kong pag sinabi ko ito sayo ay iiwasan mo ako o kaya naman baka magalit ka saken. Kagabi ko pa pinag iisipan ito kung sasabihin ko ba ito sayo or wag na lang, kaya napag desisyunan ko na sabihin na lang sayo ang nararamdaman ko kasi parang sasabog na yung dibdib ko pag hindi ko pa ito sinabi sayo." Saad nito pero ngayon ay nakatingin na ito saken at seryoso sya sa sinasabi nya. Pero hindi ko maintindihan ang sinasabi nya. Nanatili pa din akong tahimik na nakikinig sa kanya.

"Leslie.. Alam ko magagalit ka pero, anong magagawa ko? Hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman ko." Saad nito.
Pero malumanay lang ang boses nito.

"A-ano ba yung gusto mong sabihin? Sabihin mo na." Saad ko. Sana mali yung kutob ko. Sana mali ito.

"Gusto kita Leslie. Nung una palang kitang nakita ay bumilis yung tibok ng puso ko, hindi ko maintindihan kung bakit. Very time na nangiti ka, pag natawa ka, pag nakatingin ka saken nawawala ako sa sarili ko.. pero pinigilan ko ang nararamdaman ko.. pinigilan ko pero ayaw talaga tumigil eh. Hindi ko alam ang gagawin ko kasi ayokong magalit ka saken or baka iwasan mo ko. Leslie hindi ko na kayang itago ang nararamdaman ko sayo.. Siguro ay GUSTO na kita baka nga MAHAL na kita eh , Leslie sorry, sorry.. Hindi ko napigilan ang nararamdaman ko.. sorry." Saad nito. Tama nga ang kutob ko. Pero bakit ako? Mali ito pero wala akong magawa sa ngayon kasi umamin na sya. Hindi ko alam gagawin ko. Nanatili pa din akong tahimik dahil sa mga sinabi nya. Hindi ko akalain na magkakagusto sya saken, ayokong saktan ang taong ito pero mas mabuti na sigurong sabihin  ko sa kanya na hindi ko kayang suklian yung nararamdaman nya para saken dahil kaibigan lang ang turing ko sa kanya.

The Seven Boys And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon