Kabanata 16

53 4 0
                                    

KABANATA 16 : THE GAME..

NANDITO pa rin kami ni Alex sa Balcony hindi kami nag iimikan kasi busy sya sa cellphone nya parang may ka text ito sa cellphone dahil napaka seryoso ng mukha nito.
At dahil curious ako at gusto kong malaman kung boyfriend nya ba ito, kaya naman dahan dahan akong tumayo ng hindi nya napapansin at dahan dahan din akong naglakad papunta sa may likuran nya para makita kung sino or ano ang ginagawa nya sa cellphone nya dahil napaka seryoso ng mukha nito habang nakatingin sa cellphone nya. Nang makarating na ako sa likuran nya ay sumulip ako ng bahagya sa likuran nito at tiningnan ang cellphone nya.

Agad naman akong napaupo sa damuhan ng garden dahil sa ginawa nitong si Alex. Bigla kasi s'yang humarap at nanggulat kaya kaya hindi ko nakita ang nakapaloob sa cellphone nya at yun din ang dahilan kung bakit ako ngayon ay nakaupo sa damo. Tsk.

"Beks, ang chismosa mo naman kasi eh, hahaha". Saad nito habang natawa. Sinamaan ko ito ng tingin.

"Ewan ko sayo. Tsk.. Ano ba kasing ginagawa mo sa cellphone mo at busy na busy ka dyan?". Saad ko habang hinihimas ko yung puwitan ko dahil medyo masakit ang pagkakabagsak ko.

"Ayan na naman si Cabral, nilamon na naman ng curiosity nya. Oh!! Ito Oh!! Ito yung ginagawa ko sa cellphone ko.. hahaha 😂." Saad nito at ipinakita saken ang cellphone nya habang natawa. Ang saya nya. Tsk. Naglalaro lang pala sya ng Mobile Legends. Tsk. Dahil sa pagka curiosity ko ay nasaktan pa ako.

"Tumigil ka nga sa kakatawa dyan. Tulungan mo kay akong tumayo dito." Saad ko sa kanya.

"Oo na ito na.." Saad nito at tumayo na sya sa kinauupuan nya at nagtungo saken para tulungan akong tumayo.

"Salamat.. tara na sa kwarto." Saad ko dito. Bigla itong ngumisi. Baliw talaga to at ang dumi ng utak. Myghad.

"Bakit? Anong gagawin natin sa kwarto mo huh Cabral?". Saad nito habang patuloy lang sa pag ngiti. Hay nako.. iba talaga ang utak ng taong ito. Bakit ko ba sya naging bestfriend. Tsaka EWWWWWW noh?

"Alam mo kahit kelan ka, ang dumi dumi mg utak mo. Ituturo ko sayo ang kwarto nating dalawa... dalhin mo na din yung mga gamit mo."  Saad ko at nauna ng maglakad papunta sa loob ng bahay.

"HAHAHAHAHA... Oo na.. wait lang." Sigaw nito. Bahala ka dyan.

Pagpasok ko sa loob, nakita ko silang nagtatawanan at mukhang masayang masaya sila sa pinag uusapan nila. Kaya naman naglakad na muli ako patungo sa hagdan. Nagulat ako dahil may humawak sa kamay ko na sya namang ikinalingon ko. Pag lingo ko ay nakita ko si JINYOUNG.

"Wait.. Saan ka galing?" Tanong nito. Bakit nya natanong.

"Ah.. dyan lang sa Balcony.. Bakit, may iuutos ba kayo?" Saad ko dito. Bakit nya tinatanong kung saan ako galing?

"Ah... pwede mo ba akong samahan sa Convenient Store? May bibilihin lang ako.." Saad nito. Ako? Sasamahan ko sya? Bakit ako pa? Madami naman dyan na pwedeng sumama sa kanya eh. Bakit ako pa? "Please." Saad muli nito.

"Ah.. s-sige, kukuha lang ako ng jacket. Wait lang.." Saad ko at umakyat na sa taas. Kinuha ko yung Jacket ko sa Cabinet na lagayan ng mga damit ko at isinuot na ito. Pagkasuot ko ng jacket ay binuksan ko na yung pinto at nagulat ako sa taong bumungad saken.

"OMYGHAD!!.. Alex ano ka ba?! Nakakagulat ka." Saad ko habang nakahawak sa dibdib ko. Aatakehin ako sa puso nito eh.

"Saan kayo pupunta huh? Saan? Mag de-date ba kayo? Hahaha." Saad nito at tiningnan sya ng masama. "Okey okey.. joke lang yun.. Alam ko na ang sasabihin mo na si PJ lang ang pwede.. Sige na lakad na at naghihintay na sa baba ang boss mo." Saad muli nito. Naglakad na ako patungo sa hagdan pero bago pa ako tuluyang bumaba ng hagdan ay may sinabi pa ako kay Alex.

The Seven Boys And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon