Kabanata 40

31 2 17
                                    

KABANATA 40.

YOUNGJAE'S POV.

Ang ingay sa paligid ko, tila parang may na sigaw dito sa loob ng kwarto ko at tinatawag ang pangalan ko. Minulat ko ang mata ko, bumungad saken si JB hyung at Yugyeom.

"Ano ba? Ang aga aga pa eh. Wala naman tayong schedule ngayon ah." Saad ko at sabay talukbong ng kumot. Inaantok pa ako eh.

"Gumising ka na dyan." Saad ni JB hyung sabay tanggal sa kumot ko.

"Bakit ba? Inaantok pa ako eh." Saad ko sa mga ito.

"Pinapatawag tayo ni JYPnim, may sasabihin sya saten." Saad ni Yugyeom. Kaya naman napabalikwas ako sa pagkakahiga ko ng marinig ko iyon. Takot kasi ako kay JYPnim hehe.

"Eh? Bakit daw?" Tanong ko habang kinukusot ang mata ko.

"Hindi ko alam. Basta daw ay pumunta tayong lahat dun." Saad ni JB hyung. Bakit kaya?

"Eh paano si Noona? Kasama ba sya?" Tanong ni Yugyeom.

"Oo. Kaya susunduin natin sya sa hospital dahil ngayon ang discharge nya. Bumaba na kayong dalawa dyan huh?" Saad ni JB hyung at bumaba na ito.

"Hyung tara na. Baba na dyan." Saad ni Yugyeom at katulad ni JB ay bumaba na ito.

Tumayo na ako sa pagkakaupo ko sa kama ko at nagtungo sa C.R para mag shower at mag toothbrush.

Mabilis lang akong natapos, naka bihis na din ako kaya naman bumaba na ako mula sa kwarto ko at naabutan ko silang lahat sa living area. Pumunta ako ng kitchen para kumuha ng sandwich dahil 12:20 pm na ay hindi pa ako nakain. Pagkakuha ko ay umupo ako sa Dining table para kumain ng sandwich, nandito din si Jackson hyung at Mark hyung na nakain ng cereal.

"Bakit kaya tayo pinapapunta ni JYP hyung?." Tanong ni Jackson hyung.

"Hindi ko alam. Malalaman na lang natin yan mamaya pag pumunta tayo. Isa pa kasama si Leslie kaya susunduin natin sya sa hospital ngayon. Bilisan nyo dyan dahil aalis na tayo." Saad ni Mark hyung. Tumayo na ito para ilagay ang pinagkainan sa kitchen.

Natapos na din ako kumain at uminom ng tubig. Hay nabusog ako dun.

"Let's go." Saad ni JB hyung.

Naglabasan na kaming lahat at sumakay na ng sasakyan yan. Una muna naming pupuntahan si Noona Leslie dahil ngayon ang labas nya sa hospital. Bakit kailangan kasama pa si Noona?

Nakarating na kami sa hospital at saktong pagpasok namin sa kwarto ay paalis na sila ni Noona Alex. Nagulat sila, hindi siguro nila alam na susunduin namin sila.

"A-anong ginagawa nyo dito? Bakit lahat kayo nandito?" Tanong ni Noona Leslie.

"Susunduin ka namin dahil pinapatawag tayong lahat ni JYP hyung." Saad ni Mark hyung.

"Kasama ako? Bakit pati ako?" Saad ni Noona Leslie.

"Oo nga. Bakit pati si Leslie kasama sa mga pinapatawag." Saad ni Noona Alex.

"Wala din kaming ideya kung bakit din pinapatawag si Noona." Saad ko dito.

"Ah. So, hindi ako sasama sa inyo dahil parang company meeting yan at parang seryoso ang pag uusapan nyo kaya hindi ako makakasama sa inyo. Well, any way mauna na ako sa inyo. Kayo na ang bahala sa bestfriend ko. Bye Leslie, yung sarili mo huh? Ingatan mo." Saad ni Noona Alex at naglakad na ito palabas ng kwarto.

The Seven Boys And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon