Kabanata 29

48 1 1
                                    

KABANATA 29 : UNEXPECTED

Pagbaba ko ay nagulat ako dahil nandito na naman sila.. ang BANGTAN.

Bakit sila nandito?

Pagbaba ko ay sumalubong saken yung kaibigan ni Leslie.

"Good morning.. gising na ba si Len?" Tanong nito. Pero teka.. Bakit Len? Naguguluhan ako. Bakit Len ang tawag nya?

"H-huh? Anong sabi mo? S-sinong Len?" Tanong ko din dito. Natawa ito ng bahagya.

"Si Leslie ibig kong sabihin." Saad nito.

"Eh b-bakit Len tawag mo sa kanya?" Tanong ko dito na medyo naguguluhan.

"Bakit? May problema ba dun? " saad nito.

"Wala naman. May naalala lang kasi ako sa pangalan na binanggit mo. May kababata kasi akong Len ang pangalan at Leslie ang totoong pangalan nya. Kaya nagtataka lang ako sa pangalan na binanggit mo." Saad ko na medyo may pagkadismaya na boses.

"Hala.. ikaw si.. si.. si... ikaw si PJ?" Saad nito na ikinalaki ng mata ko.

"P-paano mo nalaman yang pangalan na yan? Saan mo narinig yan?" Tanong ko dito. Isang tao lang ang may nakakaalam ng pangalan ko.

"Kasi may kababatang lalaki si Len, pero iniwan sya nito. At nabalitaan nya na pumunta daw ito ng korea kaya nangako sya sa sarili nya na hahanapin nya ito paglaki nya kaya ngayon nandito sya sa Korea para hanapin nya ang lalaking kauna - unahan ng minahal. Pero hanggang ngayon ay hindi nya pa din ito nakikita." Saad nito. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. " PJ.. PJ ang pangalan ng kababata nya." Dugtong pa nito.

"Ang babaeng matagal ko ng hinahanap nasa harapan ko na pala?" Saad ko. Para akong tangang na tulala.

"Teka nga.. tara dun sa garden.. baka mamaya may makarinig satin." Saad nito at naglakad na patungo sa garden na sya namang sinundan ko. Umupo sya sa isang bench kaya naman umupo na din ako.

"Jinyoung.. ahm... matagal ka ng pinapahanap ni Leslie pati sila Tito at Tita ay pinapahanap ka na din nila, sa paghahanap nila tita at tito ay nalaman nilang isa ka ng artist dito sa Korea, matagal ka ng nahanap nila tita pero hindi nila sinasabi kay Leslie. Hindi ko alam kung bakit, kaya ngayon nandito si Leslie sa Korea para hanapin ka. Ikaw ba? Hinanap mo ba ang bestfriend ko?" Saad nito. Nakatingin lang ako sa mga damo sa harapan namin. "Alam mo ba? Nung iniwan mo sya, oras oras lagi s'yang napunta sa dati nyong bahay sa pilipinas, halos dun na nga sya matulog sa labas ng gate ng bahay nyo eh. Hanggang sa lumaki sya ay napunta pa din sya sa bahay nyo, nagbabakasakaling baka bumalik ka pero lagi s'yang nabibigo. Hirap na hirap sya noon, parang may parte ng buhay nya ang nawala kasi umalis ka daw ng walang paalam, basta mo na lang daw syang iniwan. Ito pa, ang daming nagkakandarapa kay Leslie noon, pero kahit isa ay wala s'yang natipuhan kahit isa ay wala s'yang sinagot haha.. kasi ikaw yung iniisip nya, ikaw yung gusto nya, minsan nga iniisip nya na baka may pamilya ka na or baka yumao ka na or baka naghihintay ka pa din sa kanya ni hindi nya nga alam ang totoo mong pangalan eh tanging PJ lang ang alam nya, minsan iniisip nya, "hinahanap nya kaya ako?" Ayan ang laging tanong nya. Saad nito. Bigla akong naguilty sa ginawa ko sa kanya nung mga bata palang kami. Naawa ako sa kanya, hinahanap nya pala ako? Ang sama sama kong tao para sa kanya.

"May balak ka bang sabihin ito sa bestfriend ko?" Saad nito, this time ay napatingin ako kay Alex.

"Pwedeng favor?" Tanong ko dito.

The Seven Boys And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon