Kabanata 57

32 2 1
                                    

KABANATA 57.

JAEBUM'S POV.

Kanina pa kami tapos kumain pero wala na dito si Jinyoung at Leslie. Saan kaya sila nag punta? Kaya naman naglakad ako papunta sa balcony ng Restaurant at nakita ko si Leslie, pupuntahan ko na sana sya ng makita ko si Jinyoung na kausap nito kaya hindi na ako tumuloy.

Oo nag seselos ako dahil alam ko na malabong maging kami ni Leslie pero alam ko din na gusto ko sya at hindi ako susuko. Binabangga ko si Mark at Jinyoung ng dahil lang sa isang babae.

Bumalik ako sa table namin kung saan nagtatawanan sila.

"Teka.. nasaan pala si Leslie? Kanina ko pa napapansin na wala siya dito." Pagtatakang tanong ni Alex.

"Oo nga.. pati si Jinyoung hyung wala din." Saad naman ni BamBam.

"Baka namamasyal lang sila o baka nagpapahangin." Saad naman ni Jackson.

"Nakita ko si Leslie na pumunta doon sa balcony tapos ay kasunod na nito si Jinyoung." Saad naman ni Mark. Minsan bilib din ako kay Mark eh kasi kahit hindi ito nakatingin kanina kay Leslie ay alam nito kung nasaan si Leslie. Wow.

"Sige.. pupuntahan ko na lang sila para maka pasok na tayo sa Haunted House." Saad ni Yugyeom at bakas dito ang pagka excited dahil sa tono pa lang ng boses nito. Haunted House? Sisiw yan saken..

"Habang pinupuntahan ni Yugyeom yung dalawa mauna na tayo sa Haunted House at bumili na din tayo ng tickets para pagdating nila papasok na lang tayo." Saad ni Alex.

KAYA naman nagtayuan na kami para pumunta sa Haunted House at bumili ng ticket.

Habang naglalakad kami papunta sa Haunted House para bumili ng ticket ay nagsalita naman si Mark.

"Alex hulaan mo sino ang may pinakamalakas na sigaw mamaya sa loob ng Haunted House?" Saad ni Mark at parang nang aasar pa.

"Sa tingin ko.. kayong lahat." Saad ni Alex.

"Kaming lahat? Paano mo nasabi?" Saad ko naman.

"Kasi napanood ko yung video nyo nung na prank kayo.. tawa nga ako ng tawa dun eh hahaha." Saad nito sabay tawa.

"Nagkataon lang yun kasi Hindi naman namin alam na may ganun palang prank." Saad ni Mark.

"Lalo na yung reaksyon ni Jackson.. HAHAHAHA!! Ang epic ng mukha mo dun.. HAHAHAHA !!" Saad ni Alex at nagpatuloy lang ito sa pag tawa.

"Yah!! Hindi kaya.. si BamBam kaya yung mas nakakatawa dun kasi tumakbo pa sya palabas ng room." Pang aasar pa ni Jackson.

"Okey... Okey... wag na kayong nagtalo. Lahat naman kayo nakakatawa dun eh.. HAHAHAHA!! Pwera lang si Jinyoung at Yugyeom." Saad ni Alex at tumawa na ng tumawa.

"Excuse me lang.. halika nga ditong babae ka.." Saad ni Jackson at hinila na palayo samin ni Jackson si Alex. Siraulo talaga yang dalawang yan.

Maya maya pa ay nakarating na kami dito sa Haunted House at nandito na din sila Jinyoung, Leslie at Yugyeom.

Nakabili na din kami ng ticket kaya naman pumasok na kami.

Partner ko si BamBam, si MARK at Youngjae naman ang magkasama, si Jackson at Alex naman ang mag partner tapos si Leslie, Jinyoung at Yugyeom naman ang magkakasama.

Magkakasabay kaming pumasok sa loob pero bumungad agad samin ang isang manikin na nang gulat saming lahat dahil para itong mummy na nanggaling pa sa kabaong nito na katulad nung sa egypt. Kaya naman nagsigawan kami dahil doon.

The Seven Boys And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon