Kabanata 33

38 1 3
                                    

KABANATA 33.

ALEX POV.

Nandito kami ngayon ni Leslie sa loob ng sasakyan dahil pauwi na kami.

Kanina ay tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila beshy ko at ni lola. Gusto ko na sanang sabihin kay Leslie ang totoo pero ayokong pangunahan si Jinyoung sa plano nya. Naghahanap si Leslie kay PJ pero ang taong hinahanap nya ay laging nasa tabi nya lang. Alam kong may galit si Leslie kay PJ or Jinyoung pero alam kong mangingibabaw ang kapatawaran sa puso ni Bestfriend ko.

Tahimik lang kaming nabiyahe ng magsalita ito.

"Alex balik tayo may nakalimutan lang akong itanong." Saad nito. Malayo na kami sa Bahay nila Jinyoung. Gaga talaga ito.

"Huh? Baliw ka ba? Malayo na tayo, baka pag bumalik tayo dun ay gabi na tayo makauwi. Delikado kaya ang panahon ngayon, nakikita mo naman na naulan na ng snow." Saad ko dito. Tanga tanga talaga to.

"May nakalimutan kasi akong itanong kay  lola eh." Saad nito.

"Ano ka ba? Kaninang nandun tayo hindi mo pa tinanong lahat ng itatanong mo. Ano ba kasing itatanong mo huh?" Saad ko dito. Nakakairita na tong bestfriend ko. Mamaya babatukan ko na ito.

"Hindi ko kasi natanong sa kanya kung anong totoong pangalan ni PJ. Tsk." Saad nito. Tumingin ito sa bintana ng sasakyan at tumahimik na lang ito.

"Park Jinyoung ang totoong panga--." Saad ko pero pinutol ko ito. Tumingin ito saken. Ang daldal talaga ng bibig ko. Shet.

"May sinasabi ka ba?" Saad nito.

"H-huh? Ah.. w-wala.. ang sabi ko mag papark muna tayo par kumain yun yung sabi ko." Saad ko. Muntik na ako dun ah.

"Ah. Sa bahay na lang ako kakain, hatid mo na lang ako." Saad nito.

Maya maya pa ay nakatulog na ito. Naawa ako kay Leslie, bakit kasi ayaw pa sabihin ni Jinyoung na sya si PJ eh. Pinahihirapan nya pa ang bestfriend ko sa paghahanap sa kanya.

JINYOUNG'S POV.

Nasaan na kaya si Leslie? Nakausap nya kaya ni Lola? Sinabi kaya ni Lola kay Leslie?

Nakaupo kaming lahat dito sa sofa habang hinihintay ang pag dating ni Leslie. Kinakabahan ako at the same time ay natatakot. Kinakabahan ako na baka alam na nya ang totoo at natatakot din ako na baka magalit ito saken.

Habang nakaupo kami ay may tumawag saken. Patingin ko sa cellphone ko si Alex ang tumatawag.

"Hello? Oh? Ah sige lalabas na ako." Saad ko at pinatay ko na ang tawag nya.

"Tumawag si Alex saken. Nasa labas na daw sila, nakatulog daw si Leslie sa sasakyan." Saad ko at tumayo na ako palabas ng bahay, sumunod naman sila saken. Paglabas namin ay sumalubong samin si Alex.

"Nasaan sya?" Tanong ko. Binuksan ni alex ang pinto ng sasakyan. Tulog nga si Leslie. Bubuhatin ko na sana ito ng pigilan ako ni Mark hyung.

"Ako na." Saad nito. Bakit sya? Nasaan si JB hyung? Dun ko lang napansin na hindi pala namin kasunod si JB hyung.

Tumabi naman ako at kinuha na ni Mark hyung si Leslie sa sasakyan at binuhat na nito si Leslie papasok ng bahay.

"Salamat noona sa pag hatid kay Noona Leslie. Sige pasok na kami sa loob." Saad ni Yugyeom.

"Jinyoung? Hindi ka pa ba papasok? Tara na. Sige Alex una na kami. Tara na Jinyoung." Saad ni Jackson sabay tapik sa braso ko. Tumango lang ako sa kanya at pumasok na din ito sa loob ng bahay.

The Seven Boys And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon