Kabanata 72

32 1 8
                                    

KABANATA 72.

Sumama ako kay Jinyoung sa rehearsal nila para sa project. Wala silang practice ng sayaw ngayon dahil kailangan daw nila ng pahinga kaya nagpahinga sila except kay Jinyoung kaya ngayon nandito kami sa JYP building.

Nag uumpisa na silang ma rehearse at ako ay nakaupo lang dito sa sofa habang pinapanood silang dalawa ni Nayeon.

Hindi ko alam kung bakit pumasok sa isip ko ang manood ng rehearsal nila. Yung tipong ang sakit makita na yung taong mahal mo ay may niyayakap na iba, lalo na siguro kung kissing scene na.

Habang nag re-rehearse sila ay sa tuwing may scene sila ni Jinyoung na sweet ay titingin saken si Nayeon na parang nang iinggit pa ito. Kaya naman lumabas na muna ako dahil hindi ko na kaya manood ng ginagawa nila, nag text ako kay Jinyoung na uuwi na ako dahil nakakaramdam ako ng antok kahit na hindi naman ako inaantok. Ayoko na kasi doon tsaka masasaktan lang ako kapag nanood lang ako doon.

Lumabas na ako ng JYP building at nag lakad lakad. Malapit lang pala dito ang park kaya pumunta ako sa park at naupo sa isang bench. Malamig na at medyo madilim ang kalangitan na tila para uulan ito pero hindi naman. Nag muni muni lang ako dito at biglang tumunog ang phone ko kaya naman kinuha ko ito at binasa ang text.

"Bakit hindi ka nagpaalam saken kanina? Dapat nagsabi ka saken kanina nung nandito ka. Nag alala tuloy ako sayo. Hindi na kita tinawagan kasi nabasa ko na ang text mo. Mag ingat ka sa pag uwi mo. I love you." Saad sa text ni Jinyoung. Pero hindi ko na ito nireplayan.

Makalipas ang ilang minuto kong nakaupo sa bench ay naisipan kong mag commute na lang pauwi sa bahay kaya naman tumawag ako ng taxi.

Nang makasakay ako sa taxi ay nagpahatid ako dito sa bahay namin.

At dahil hindi pwede ang taxi sa Subdivision namin ay dito na lang ako bumaba sa may entrance ng subdivision at nilakad ko na lang pauwi sa bahay namin.

Habang nag lalakad ako pauwi ay parang may sumusunod saken kaya naman lumingon ako sa likod ko, pag lingon ko wala namang tao. Kaya naman nag lakad ulit ako habang naglalakad ako ay nakaramdam muli ako na parang may sumusunod saken pero hindi ko ito nilingon  at naglakad lang ako ng mabilis.

Habang naglalakad ako ay parang malapit na saken kung sino man itong nasunod na ito. Kinakabahan ako at natatakot kaya humawak ako sa strap ng bag ko at yumuko tsaka ako naglakad na mabilis. Medyo dumidilim na at ako lang ang tao dito na naglalakad, sobrang lamig pa kaya bibilisan ko na talaga ang lakad.

Feeling ko talaga hindi ako nilulubayan ng kung sino man ang nasunod saken. Medyo malayo pa ako sa bahay namin kaya natatakot ako.

Maya maya pa ay habang naglalakad ako ay may narinig akong tumawa mula sa likod ko na boses lalaki kaya tumigil ako sa paglalakad at dahan dahan akong humarap dito. Pag harap ko ay nakita ko kung sino ang nasunod saken pero hindi ko ito kilala, naka all black ito na medyo malaki ang katawan, naka mask din ito kaya hindi ko makilala. May inilabas itong maliit na kutsilyo kaya nanlaki ang mata ko. Lumalapit ito saken habang hawak ang maliit na kutsilyo kaya naman hindi na ako nagdalawang tumakbo palayo sa lalaking may hawak na kutsilyo at sinundan ako nito habang natawa na parang nakakatakot.

Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa paglingon ko ay hindi ko na ito makita. Habang na takbo ako ay hindi ko na namalayan na may sasakyan palang paparating sa daan kung saan ako na takbo kaya napaupo ako at hindi na ako makatayo dahil sa sakit ng paa ko sa kakatakbo. Kaya wala na akong magawa kundi ang maghintay na bumangga saken ang paparating na sasakyan. Kaya pinikit ko ang mata ko.

The Seven Boys And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon