Kabanata 112

4 1 1
                                    

KABANATA 112.

ALEX POV.

At dahil may press conference mamaya, hindi ako handa para doon.

Alam ko na kung anong iniisip o pinaplano nila Tita at Tito pero alam ko na ikakabuti yun ng lahat.

Hindi naman matapobre sila Titaat Tito eh, sadyang pagdating lang sa anak nila ay over protective sila kahit na nung mga bata pa lang kami.

Tsaka okey na din na magpa press conference sila Tita at Tito para malaman ng buong mundo na si Jinyoung ay may Fianceè na lalo na yang Nayeon na yan.

Habang nasa kwarto kami nila Jill, Ann, ako at Racey ay may kumatok sa pintuan habang kami ay nag aayos para mamaya dahil kasama daw kami.

"Ako na ang mag bubukas." Saad ni Ann.

Pag bukas ni Ann ay pumasok na ang kumatok sa pinto at laking gulat ko dahil si Manang Tessie ang pumasok. May kasama itong mga maids na may dalang parang mga dress.

Nagulat ako kaya napasigaw ako.

"MANANG TESSIE!!!" saad ko sabay takbo at niyakap ito.

"Kumusta na, Alex?" Saad nito kaya tumingin ako kay Manang Tessie ng nakangiti.

"Okey naman po ako, Manang. Ikaw po kumusta? Tsaka bakit nandito po kayo sa Korea at bakit may mga ganyan?" Saad ko at itinuro yung nga hawak ng maids.

"Okey lang ako.. pinapunta ako dito nila Madam para sa announcement mamaya at dito muna ako hanggang sa wedding day ng alaga ko." Saad ni Manang.

"Eh ano po yang mga yan? Para saan po? Saad ko.

"Ah, ayan ba? Ayan daw ang susuotin nyo para sa announcement mamaya. Kaya mag handa na kayo. "Saad ni Manang.

"Sige po.. pero Manang papakilala ko muna sa inyo ang mga kaibigan namin na sila--" saad ko pero pinutol ito ni Manang at ngumiti ito.

"Jill, Ann at Racey.. at kilala ko din si Jaebeom, Jackson, BamBam, Mark, Youngjae at Yugyeom." Saad ni  Manang.  Napanganga ako.

"Paano nyo po sila nakilala?" Saad ko.

"Lagi kasi kayo nababanggit nila Madam at Leslie. Oh sya sige na, mag ayos na kayo. Good luck." Saad ni Manang at lumabas na sila.

Tumingin ako sa mga girls.

"Anong good luck?" Sabi ko sa mga girls.

Sabay sabay silang nagkibit balikat.

Si Manang talaga.

Makalipas ang ilang oras ay tapos na kaming mag ayos at sinuot na din namin ang dalang dress nila Manang kanina.

Simple yung dress pero elegante ang dating. Basta maganda sya na hanggang sa tuhod.

Lumabas na kami ng kwarto at nagtungo na kami sa living area kung saan naghihintay ang aming mga boys hehe. By the way magaling na si Jill at nakakalakad na sya ng maayos.

Naka simpleng porma lang din ang mga boys. Naka pormal sila pero simple lang din.

"Tara na.." saad ni Youngjae.

"Eh sila Noona at hyung?" Saad ni Yugyeom.

Saktong pagkasabi ni Yugyeom ay bumaba na si Leslie.

Para s'yang anghel na nababa mula sa langit. Naka dress ito na hanggang tuhod lang din pero napaka elegante ng dating nito, nakaputing dress si Leslie na may mga details na kakaiba at may mga kumikinang pang mga gems. Naka heel din ito na nude ang kulay. Tapos naka big curl pa ang buhok nito.

The Seven Boys And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon