Kabanata 92

16 1 2
                                    

KABANATA 92.

LESLIE'S POV.

Bakit sya? Pinag katiwalaan ko sya tapos ito ang gagawin nya? Kilala ko sya, alam kong hindi nya gagawin ito.

May tumulong luha sa mga mata ko.

"Jimin? Bakit? Bakit mo ito ginagawa? Anong kasalanan ko sayo?" Saad ko habang patuloy pa rin ang pag tulo ng luha ko.

"Sorry.. hindi ko ginusto ito." Saad nito.

"Hindi mo ginusto? Bakit mo ginagawa ito?" Saad ko dito.

"Sorry.." Saad nito at tumungo ito.

"Jimin? Alam mo ang pwedeng mangyari pag ipinagpatuloy mo ito." Saad ko dito.

"Hindi ako ang may pakana nito.." Saad nito.

"Sino? Sino?" Saad ko ng pasigaw.

Niyakap ako nito.

"Sorry.. wag kang mag alala, mamayang gabi pakakawalan kita, hindi pwede ngayon.. kailangan ka muna n'ya makita bago kita pakawalan para hindi sya makahalata." Saad nito at bumitaw na ito sa pagkakayakap.

Tumingin ito sa mga mata ko.

"Do you trust me?" Saad nito.

"Paano pa kita pagkakatiwalaan sa ginagawa mo?" Saad ko dito.

"Magtiwala ka saken kahit ngayon lang please.. pangako ko sayo pakakawalan kita mamayang gabi." Saad nito.

Halata dito ang pag aalala saken. Tinitigan ko ito sa mga mata nito.

"Sige.." Saad ko. Maya maya pa ay may narinig kaming tunog ng sasakyan.

Kaya naman tumayo si Jimin at tiningnan kung sino ang dumating. Pagkatapos nitong tumingin ay bumalik ulit ito saken na parang natataranta.

"Kailangan kong ibalik ang takip sa mata mo.. mangako ka saken na hindi ka magsasalita huh? Mamayang gabi makakasama mo na si Jinyoung. Shhh." Saad nito at binalik na nito ang takot sa mga mata ko.

Narinig ko na din ang pagpasok ng kung sino man ang dumating at narinig ko ang boses nito, Sya yung babae.

"Hi! Jim, anong ginagawa mo dito? Awww.. dinadalaw mo pala ang babaitang ito?" Saad nito.

"Bakit masama bang dumalaw?" Saad ni Jimin.

Nagpanggap akong tulog para marinig ko ang pinag uusapan nila. Hindi ako basta basta nagtitiwala ngayon kay Jimin baka palabas nya lang ito.

"Kamusta naman ang babaing ito?" Saad ng babae at ramdam kong lumapit ito saken at hinawakan nito ang pisngi ko at inangat ito.

"Wag mo ng s'yang galawin? Hayaan mo muna syang magpahinga." Saad ni Jimin.

"Magpahinga? Hindi na nya kailangan." Saad ng babae.

Maya maya pa ay naramdaman kong may pumalo sa mga hita ko at sobrang sakit nito kaya napasigaw ako sa sakit. Feeling ko nadurog ang mga buto ko sa hita.

"AAAAAAAAHHHHHHHHH!!" Yan ang sigaw ko.

"Ano ka ba? Tigilan mo na nga ang pag papahirap kay Leslie." Saad ni Jimin, siguro ay inaawat nya ito.

"Bakit? Eh nag e-enjoy pa akong pahirapan sya eh.. Ito pa.." Saad ng babae at muli na naman ako nitong hinampas sa hita at napasigaw na naman ako dahil sa sakit na natamo ko.

The Seven Boys And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon