Kabanata 84

17 2 3
                                    

KABANATA 84.

Nasa office ako at kakatapos lang ng Meeting namin. Bukas ay Nandito na sila Mommy para sila ang makipag usap sa ShinWa group.

Naka upo ako sa office chair ko ng dumating si Alex kasama si Jill.

Nakalimutan ko na ngayon ko pala ibibigay yung allowance nya.

"Good morning, Ms. Leslie." Saad nito ng nakangiti.

"Good morning din.. Maupo ka muna." Saad ko dito ng nakangiti at umupo naman ito sa sofa.

"Besh wala na tayong meeting.. baka pwedeng mauna na ako sa inyo." Saad ni Alex habang nakatayo sa tabi ko.

"Bakit? May pupuntahan ka ba?" Saad ko dito.

"Ahm... parang meron eh.. oo meron nga." Saad nito.

"May date kayo ni Jackson? Di ba may shoot sila ngayon? Tsaka last day na ng shoot nila ngayon di ba?" Saad ko dito.

"Pupuntahan ko kasi sya set nila eh.. ikaw, baka gusto mong sumama." Saad ni Alex.

"May tatapusin pa ako eh.. tsaka bukas na ang balik nila Mommy dito kaya tatapusin ko pa yung mga dapat kong tapusin. Nakakahiya kasi kala Mommy at Daddy eh, ikaw wala ka na bang gagawin o tatapusin? Kung wala na pwede ka ng umalis." Saad ko dito ng sarcastic. Alam kong may gagawin pa s'yang last report tungkol sa mga naging meeting namin. Nakatingin lang ako dito habang nakapatong ang chin ko sa mga kamay ko.

"Ay Oo nga pala. Nakalimutan ko na naman gawin yun, ito kasing si Jackson eh. Mamaya na lang ako uuwi, sabay na lang tayo. Sige maiwan ko na muna kayo." Saad nito at nagmamadaling umalis kaya naman tinawanan ko lang ito tsaka ako umiling.

"Akala mo kasi matagal ng hindi nagkikita eh." Saad ko sa sarili ko.

"Ahmm.. matagal na po kayong magkakilala ni Alex?" Saad ni Jill. Kaya naman tumayo na ako at lumapit dito habang hawak ko ang isang white envelope na maliit at inabot ito kay Jill tsaka ko ito sinagot.

"Yes.. since nung mga bata pa kami. Sya na yung kasama ko simula nung mga bata palang kami, kahit saan ako magpunta kasama ko na sya.. Bakit mo pala natanong?" Saad ko dito.

"Wala lang..  kasi may Bestfriend din po ako, si Ann pero magkaiba kami ng mundo, mayaman sila tapos kami may kaya lang. Pero kahit na magkaiba kami ng mundo ay hindi kami naghihiwalay." Saad ni Jill.

"Ah. Basta may tiwala kayo sa isa't isa, tatagal ang friendship nyo." Saad ko dito.

"Oo nga po eh.. pero minsan nagkakatampuhan din po kami pero magbabati din po kami pag isa na samin ang nag sorry." Saad ni Jill.

"Buti naman kung ganun.. teka, ang Ann ba na tinutukoy mo ay yung pinsan ni Youngjae ng GOT7?" Saad ko dito. Yun lang naman kasi ang kilala kong Ann dito eh kaya baka yun yung tinutukoy n'yang bestfriend.

"Opo, sya na nga po. Actually, nandun po ako sa bahay nila nung birthday nya. Nakita ko po kayo noon, nagulat nga po ako. Pero yun pong babaing lumandi kay Jinyoung ay hindi po namin kilala, friend lang po sya ng friend namin. Sorry nga po pala sa nangyari noon." Saad ni Jill.

"Matagal na yun, kalimutan na lang natin. Wala ka bang pasok ngayon? Baka mahuli ka na sa klase mo." Saad ko dito. Kaya naman tumingin ito sa wrist watch nito at tumayo na.

"15 minutes na lang po mag uumpisa na ang klase namin.. Mauna na po ako, Ms. Leslie, maraming salamat po." Saad nito at nagmamadaling umalis.

The Seven Boys And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon