Kabanata 85

32 2 4
                                    

KABANATA 85.

JINYOUNG'S POV.

Nakain kami ng breakfast ni Leslie. Hindi na sya pupunta sa Company dahil nandun na sila Mommy at Daddy para sila muna ang mag handle.

Ako naman ay pupunta sa JYP dahil kailangan na naming mag rehearse para sa project namin.

"Wala ka bang pupuntahan ngayon?" Saad ko dito habang nakain kami.

"Wala naman.. gusto ko lang magpahinga maghapon ngayon dito sa Mansion." Saad naman ni Leslie saken.

"Ganun ba? Gusto mo bang sumama?" Saad ko dito. Ngumiti ito saken.

"Hindi na.. dito na lang ako sa Mansion." Saad nito.

"Okey.. pero Wag kang lalabas ng mansion huh? Dito ka lang sa loob." Saad ko dito.

"Opo.. ay oo nga pala, dapat bago mag 6:00 pm nandito ka na sa Mansion dahil uuwi dito sila Mommy mamaya, dito sila mag di-dinner." Saad nito saken.

"Okey noted.." Saad ko dito ng nakangiti.

Maya maya pa ay natapos na kaming kumain.

Umakyat muli kami sa kwarto para kunin yung bag ko.

Nakaharap ako sa salamin ng lumapit saken si Leslie at sya na ang nag ayos ng damit ko. Habang inaayos nya ang damit ko ay kinausap ko ito sabay yakap sa mga bewang nito.

"Aalis na ako. Magpahinga ka lang dito ah? Kung lalabas ka magsama ka ng body guards para safe ka, dahil ayoko ng may mangyari sayong masama, okey?" Saad ko dito habang inaayos ang damit ko.

"Opo.. tsaka feeling ko pagod na pagod ako ngayon." Saad nito.

"Sige.. Mag pahinga ka lang dito ah? Anong gusto mong pasalubong? Dadaan kasi ako sa Myeongdeong para bumili ng cake para mamaya sa dinner." Saad ko dito habang nakahawak pa rin sa mga bewang nito.

"Uhmm.. gusto ko ng tteok-beokki tsaka fish cake." Saad nito. Alam kong paborito nya yan kaya alam kong yan ang gusto n'yang ipabili saken.

"Sige.. Mauuna na ako huh? I love you." Saad ko dito at hinalikan ko ito sa labi.

"I love you too.. Mag iingat ka huh?" Saad nito saken kaya naman nag wave na ako at lumabas na ng kwarto at bumababa na.

Nagpahatid na lang ako sa driver para hindi na ako mahihirapang mag drive pa.

Nakarating na ako sa JYP.

Nakarating na ako sa loob kung saan kami mag re-rehearse. Pagdating ko nandito na din si Nayeon at ang iba pang cast at ang director.

Nag umpisa na kaming mag re-rehearse.

JAEBEOM'S POV.

At dahil wala akong magawa ay pumunta ako ng supermarket para mag grocery dahil malapit na maubos ang stocks namin.

Iniwan ko muna sila Mark, Youngjae, Yugyeom at BamBam sa bahay samantalang si Jackson ay may pinuntahan kasama si Alex, bibili ata sila ng bahay. Mag boyfriend at mag girlfriend palang gusto na agad magsama tsk.

Habang palabas ako ng subdivision ay may nakita akong babae sa daan na nag lalakad at parang pamilyar ito saken kahit nakatalikod ito.

Kaya naman binaba ko yung bintana sa kabilang upuan para makita kung tama ang hinala ko, bibilisan ko ang takbo ng sasakyan para maabutan ko ito.

The Seven Boys And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon