Kabanata 45

38 4 2
                                    

KABANATA 45.

LESLIE'S POV.

"Sige mauna na kami. Salamat ulit.. see you next time." Saad ko at sumakay na ako ng sasakyan.

"Noona alex, ingat sa pag drive huh?  Ingat kayo." Saad ni BamBam.

"Bye." Saad ko. Binaba ko na yung bintana ng sasakyan. Nag wave ako sa kanila ng nakangiti.

Pinaandar na ni alex ang sasakyan at umalis na kami, bumusina naman si Alex sa kanila bilang paalam.

"Saan ka galing kanina?" Tanong ko kay alex.

"Huh? Wala.. nasa garden lang ako. Oo nga pala pumayag ka na bang magpaligaw sa dalawang yun?" Tanong ni Alex.

"Hindi ko pa masasagot yan. Ayoko kasing paasahin sila sa wala, pag nakita ko na siguro si PJ baka pwede na." Saad ko ng nakangiti.

"What if nasa paligid mo lang si PJ tapos nalaman mong may mahal na s'yang iba, hahayaan mo na lang ba sila o hahadlangan mo ang relasyon nila na dapat ay ikaw yun?" Saad ni Alex. Natigilan naman ako sa sinabi nya.

"Ahm... Hindi ko alam, siguro hahayaan ko na lang sila. Kung masaya naman si PJ sa kanya eh di masaya na din ako." Saad ko kay alex.

"Okey, sabi mo eh." Saad ni Alex.

"Alex bago tayo umuwi daan muna tayo sa mall." Saad ko. Lumawak naman ang ngiti nito. Shop-holic kasi itong babaing ito.

"Gusto ko yan. Ang tagal ko ng hindi nakapag shopping simula nung nag work ako dito. Grabe namiss ko mag shopping." Saad nito. Sabi na sa inyo eh.

Natawa na lang ako sa sinabi nito. Bigla na kang akong may naalala sa mall.

"Alex alam mo ba may... wala." Saad ko pero hindi ko na lang tinuloy kasi Secret Mall yun ng GOT7. Secret nga di ba?

"Huh? Anong sabi mo?" Saad nito.

"Wala.. Sabi ko excited na ako Pumunta ng mall." Saad ko. Natigilan ako bigla.Bakit parang namimiss ko sila, yung kulitan nila, yung malakas na tawa ni Youngjae, yung mga pagtatalo nila, yung sigaw ni BamBam pag tinatakot sya. Yung pagsusungit ni Jinyoung at yung mga good sides na ipinapakita nya saken. At isa pa, pag kasama ko sya ay parang ang tagal tagal ko na s'yang kilala, hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko sa kanya kahit na inaaway nya ako.

Sa kaka isip ko ay hindi ko na namalayan na tumigil na pala ang sasakyan na sinasakyan namin. Tumingin ako sa paligid, nasa Mall na pala kami. Ganun na ba ako katagal mag isip ?

"Ano?? Tulala lang? Tara na. Im so excited." Saad nito. Halata talaga sa kanya ang excitement, hay nako.

"Sige na nga. Tara na." Saad ko. Naka park na kami at bumababa na din kami sa sasakyan at pumasok na sa loob. Malapit na ang christmas, gusto ko sana bilihan sila Mommy ng Gifts pati GOT7 at yung ibang staff.

Pagpasok namin hinila agad ako ni Alex papunta sa mga store na puro damit. Nagsukat sya ng nagsukat tapos ay binibili nya.. napaka gastos ng babaing ito.

Ako naman ay pinipili ko yung mga damit na pang winter dahil malamig na dito at puro snow na.

Makalipas ang ilang oras na ay natapos na din kaming bumili ng mga gamit at itong babaitang ito ay sobrang daming damit ang binili.. my gosh, akala mo mauubusan ng damit. Well, sanay na ako pag kasama sya mag shopping, kulang na lang ubusin nya yung pera nila para lang mag shopping.

Nakaramdam na kami ng gutom. Pumunta kami sa isang restaurant, umupo na kami ni Alex pero bigla akong hinampas ni alex sa pwet kaya tiningnan ko ito.

The Seven Boys And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon