Kabanata 23

56 1 3
                                    

KABANATA 23 : JINYOUNG is Sick

NGAYONG ARAW na ang umpisa ng promotion nila.

Nandito kami ngayon sa JYP ENTERTAINMENT Building sa may Rehearsal area dahil kailangan nilang mag practice dahil mamaya na ang start ng promotion nila ng bagong kanta nila.

Nakaupo lang ako at pinagmamasdan silang sumayaw, halata mo sa kanila ang pagod dahil ilang beses na nilang pina-practice ang sayaw ng kanta nila na parang ang hirap nilang sabayan pag sumayaw na sila. Ang galing nilang sumayaw, napaka angas nilang gumalaw pero may isang taong nakaagaw ng aking atensyon. Halata dito ang pagod at basang basa sya ng pawis samantalang naka aircon na dito kahit malamig na sa labas.

Nag break time muna sila para magpahinga ng kaunti tapos mamaya ay magpapractice muli sila. Binigyan ko sila ng tubig at towel.

Nakaupo lang ako sa upuan at pinagmamasdan silang nagtatawanan pwera lang kay Jinyoung na tahimik lang na nakapikit habang nakasandal sa bag nya at nakakumot sya ng jacket nya na animo'y lamig na lamig pero pinagpapawisan ito.

Natapos na ang break nila ay nagtayuan na sila para mag practice muli. Pagtayo ni Jinyoung ay natumba ito at napahiga sa sahig, kaagad naman akong tumakbo patungo sa kanya at hinawakan ang leeg at noo nito, nagulat ako dahil sobrang taas ng lagnat nya kaya pala kanina bago kami pumunta dito sa JYP ay hindi sya kumikibo. Nagtakbuhan din sila JB para tulungan akong buhatin si Jinyoung.

"Dalhin natin sya sa hospital." Saad ni Mark.

"Tulungan nyo akong buhatin sya. Gyeom tawagin mo si Hyung at yung ibang staff para tulungan tayong magdala kay Jinyoung sa hospital. Bilis." Saad ni JB na halatang nag aalala talaga sya.

"Jinyoung ah! Jinyoung ah! Dadalhin ka namin sa hospital." Saad ni JB. At dahan dahan naming itinayo si JINYOUNG at inalalayan namin itong makatayo.

"Wait..wait. malamig sa labas." Saad ko at isinuot ko dito ang jacket nya pati ang jacket ko para kahit papaano ay maibsan ang lamig na nararamdaman nito.

"Anong nangyari?" Saad ni Manager. Nagdatingan na din ang ibang staff pati si JYP, nakita ko din ang Twice na nandito na din sa Rehearsal area pero hindi ko na sila pinansin dahil kailangan ng dalhin sa hospital si JINYOUNG.

Dumating na ang ambulance at isinakay na namin si JINYOUNG, pero bago pa ito makasakay ay pinigilan nya ang nagtutulak ng stretcher nya.

"Leslie, I need you." Saad nito habang nakapikit. "Pwede mo ba akong bantayan? Please." Saad muli nito, lahat sila ay nakatingin saken pati sila JYP at ang Twice pati na rin ang ibang member. Tumango sila JB, pagtango ni JB ay isinakay na si Jinyoung sa Ambulance at sumunod na din ako pati ang Manager nila.

Bago pa man maisara ang pinto ng ambulansiya ay nagsalita si JYP na katabi si JB at ang ibang member.

"Please..take care of him. Wag mo s'yang papabayaan." Saad ni JYP. Ngumiti at tumango lang ako dito. Naagaw ng atensyon ko ang isang babae na sigurado ako ay member ng TWICE, ang sama ng tingin nito saken at parang binabalaan ako ng mga tingin nito. Habang sinasarado na ang pinto ay nakatingin pa din ako sa babaeng ito, nang umaandar na ang ambulansiya saka ko lang binaling ang tingin ko kay Jinyoung. Lumapit ako dito malapit sa mukha nya, nakahawak lang ako sa hawakan ng stretcher kung saan sya nakahiga. Naramdaman ko na lang na may kamay na humawak saken at sobrang init din nito.

"Please.. dito ka lang sa tabi ko. W-wag kang aalis..please."   Saad nito. Nanginginig sya sa lamig kahit dalawang jacket na yung nakasuot sa kanya. Tumango lang ako bilang sagot.

The Seven Boys And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon