Kabanata 67

27 1 1
                                    

KABANATA 67.

LESLIE'S POV .

Kinabukasan ay maaga kaming nagising dahil ngayon na ang alis ni Jinyoung at Jackson pabalik sa Korea dahil sa Comeback  nila next month. Kailangan nilang mag record at mag practice ng sayaw para sa kantang gagawin nila. Nakahanda na ang mga bagahe nila dito sa sala at hinihintay na lang namin si Jinyoung bumaba, ihahatid namin sila sa Airport.

Nakababa na si Jinyoung at nalagay na din ni Jackson ang mga bagahe nila. Sumakay na din kami ng sasakyan at si Jackson na ang nag drive at kami ni Jinyoung ay Nandito sa passenger seat sa likod at inaayos ang bag na dala ni Jinyoung.

"Nandito na yung mga kailangan mo na papers para sa bahay natin sa Korea. Ikaw na muna ang magbigay kay Architect nan tapos next week ay ako na ang mag aasikaso nito. Nandito na din yung passport at flight ticket mo, wag mong ilalagay kung saan saan ang gamit mo huh? Lalong lalo na ang passport. Oh ito, isuot mo ito." Saad ko at sinuot ko dito ang mask at cap para hindi sya gaanong makilala. "Pag nasa loob ka na ng airport, isuot mo itong jacket mo huh? Kasi malamig na sa Korea tsaka--." Saad ko pero naputol ito ng yakapin nya ako.

"Thank you dahil nandito ka na sa tabi ko , meron ng magsasabi saken ng mga dapat kong dalhin. Thank you so much, I'm gonna miss you." Saad nito at hinalikan ang noo ko.

"I'm gonna miss you too... tsaka magiging asawa na kita kaya ko ito ginagawa sayo. Ayoko kasing may makalimutan ka eh kaya inihanda ko na lahat.. basta mag iingat ka doon huh? Lagi kang kakain sa oras kahit na busy ka dapat may time ka pa din sa pagkain.. isa pa, please lang makinig ka kay JB, okey? Palagi ding iinumin ang mga vitamins huh? Wag mo din kakalimutan ibigay kay Architect itong mga papers para sa bahay natin sa Korea." Saad ko dito.

"Arasso.. basta next week uuwi ka sa Korea huh? Mag iingat ka din lalo na't mag isa ka sa bahay. By the way tinawagan ko na sila Mommy at Mama para dalawin ka minsan sa bahay para naman may kasama ka, alam ko naman na ayaw mong nandun sila Mommy no eh pero para din sa kaligtasan ng Fianceè ko kaya ko ito ginagawa. Tsaka minsan lang naman sila pupunta doon dahil busy din sila sa Companies.. basta pag mag isa ka lang doon at walang kasama, i-lock mo lahat ng pintuan sa bahay lalo na pag aalis ka, pati mga windows lock mo din huh? Hangga't maari ay wag ng lumabas ng bahay huh? Kapag hindi kailangan lumabas, wag lalabas. Okey? At isa pa, wag kang mag shorts kahit na nasa bahay ka, mag se-send ka din ng picture na isinusuot mo saken habang wala ka pa sa Korea.. naiintindihan mo ba, Mrs. Park?" Saad nito. Napangiti naman ako dahil mas madami pa s'yang sinabi kesa sa mga sinabi ko sa kanya.

"Opo naiintindihan ko po." Saad ko dito.

Bigla namang tumawa yung dalawa sa unahan kaya naman pinitik ni Jinyoung yung tainga ni Jackson.

"Awwch.. HAHA!! Bakit ba?" Saad ni Jackson habang natawa.

"Anong nakakatawa?" Saad ni Jinyoung kay Jackson.

"Wala.. masaya lang kami dahil para na kayong mag asawa, Sana ganyan din kami ni Alex sa future.." Saad ni Jackson.

"Bakit naman ang hindi? Naniniwala ako na kayong dalawa ang magkakatuluyan basta may tiwala kayo sa isa't isa." Saad ko.

"Kami talaga ang mag kakatuluyan sa future kasi hindi ko na yan pakakawalan  pa.. subukan lang n'yang kumalas saken at ipag papalit ako sa iba, ay nako.. makikita nya ang hinahanap nya.. pagbubuhulin ko sila ng ipinalit nya saken at isa-salvage ko sila at itatapon sa pinakamalayong dagat.. kaya wag syang magkakamaling iwan ako.." Saad ni Alex.

The Seven Boys And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon